Chapter Four

38 8 3
                                    

Chapter Four

HINDI AKO makatulog nang maayos noong gabing iyon. Pagkauwi ko ng bahay ay alam na rin ng mga magulang ko at mga kapatid ko ang nangyari.

"Dad, Mom! S-Si Cygnus daw po!" Hinihingal kong salubong sa kanila.

Wala na akong pakielam kung basa ako sa tubig ulan o kung magkakasakit ako kung hindi ako nakapag-ayos kaagad.

"Ennea! Basang-basang ka. Magbihis ka nga muna!" Suway pa sakin ni ate Astrid at sinubukan akong hablutin sa siko pero iniwas ko iyon at hindi siya pinakinggan. Nanatili lang akong nakaharap sa mga magulang namin.

Bakas sa mukha ni Mom ang kalungkutan at paga-alala.
"Anak, alam namin kung anong nangyari. Kani-kanina lang ay tumawag sa Dad niyo si Scorpios para ipaalam ang nangyari,"

Tito Scorpios... siya ang daddy ni Cygnus.

Matalik na magkaibigan sila tito Scorpios at Dad noong high school palang sila at maging hanggang ngayon. Simula't sapul talaga'y close na ang mga pamilya namin. Pero ngayon, ako at si Cygnus...

Wala sa sarili kong kinuyom ang kanang kamao ko.

Narinig kong bahagyang tumikhim si Mom bago nagsalita.
"Na-aksidente nga raw si Cygnus at kasalukuyan siyang naka-confine ngayon sa ospital. Ang sabi naman daw ni Ophelia sa kanya ay minor injury lang naman daw ang nakuha ni Cygnus pero kailangan pa rin niyang mag-stay ro'n para ma-examine siya nang mabuti." Bumuntong hininga si mom at binalingan si dad. Tinanguan naman siya ni dad, para silang nagkaroon ng non-verbal conversation na sila lang ang nakaiintindi.

"At... dahil nasa Singapore ngayon sila Scorpios at Marites dahil may inaayos sila, hiniling nila na kung maaari raw tingnan-tingnan natin ang kalagayan ng anak nila," paliwanag ni mom.

Nagliwanag ang mukha ko dahil sa narinig.

"Gano'n po ba? O sige, wait... magbibihis lang ako at p'wede na tayong dumiretso sa ospital!"
Aakyat na sana ako papuntang kwarto ko nang bigla akong pigilan ni kuya sa braso.

"K-kuya? Bakit?"

"Tingnan mo nga ang itsura mo. Basang-basa ka pa tapos ang lalaking 'yon pa rin ang iniisip mo?" May bahid ng iritasyon sa boses at sa mga mata ni kuya Leighton.

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko dahil naramdaman kong humihigpit na iyon.
"Kaya nga maga-ayos na 'ko 'diba? 'Pag tapos na 'ko, pwede na tayong pumunta sa ospital! 'Di ba, mom?"
Baling ko kay mom, naghahanap ng kakampi at nagbabakasaling sasang-ayon siya sa akin pero isang iling lang ang ibinigay niya sa akin.

Mom...

"Nag-usap kami kanina ng mga kapatid mo pati na rin ng dad mo. Malakas pa ang ulan sa labas at isa pa, kasama naman ni Cygnus ang yaya niyang si Ophelia. Inaasikaso na rin siya ng iba pa nilang house helpers, maraming nang nag-aasikaso sa kanya ngayon kaya mas mabuti pa kung bukas nalang tayo pumunta."
Paliwanag niya.

Nalaglag ang balikat ko dahil sa pinaghalong pagkadismaya at pagkabalisa.

Naiintindihan ko naman... naiintindihan ko ang pinupunto nila. Pero bakit ganoon? Ang sarili ko na ang hindi ko maintindihan?

Dapat sanay na ako 'di ba? Dapat matagal na akong sanay na ang Ennea at Cygnus noon ay iba na sa Ennea at Cygnus ngayon. Wala na ang pagka-kaibigan, ang pagmamahal na nabuo at pinanghawakan ko noon ay matagal na ring wasak pero hanggang ngayon... hindi pa rin ako masanay-sanay.

Ang hirap sanayin ang sarili mo lalo na kung ang taong pinahalagahan mo nang sobra noon ay hindi ka na kailangan ngayon.

The Boy Who Lent His Umbrella (Universe Series #1)Where stories live. Discover now