Chapter Eight

30 10 0
                                    

Chapter Eight

NAGING TAHIMIK ang byahe namin pauwi ng bahay. Noong nasa tapat na kami ng subdivision ay hinarang kami ng guard. Hindi kasi pinapapasok ang mga vehicles na walang stickers ng subdivision.

Kaya tinanggal ko ang ang helmet ko para makilala ako ng guard.
"Kuya, kasama niya po ako." Sabi ko kay manong guard habang hawak ang itim na helmet.

Recognition dawned on his face nang makita ako.
"Ay, sorry ma'am. Hindi ko po kayo napansin," aniya at nagmamadaling tumabi sa daanan. Nginitian ko naman ang guard at isinuot muli ang helmet.

Wala nang sinayang na oras si Pluvian  walang sabi-sabing pinaandar muli ang motor. Mukhang kabisado na niya ang daan papunta sa bahay namin dahil kahit hindi ko ituro ang daan ay alam niya kung saan siya pupunta.

Tahimik lang akong nakakapit sa kanyang baywang. I bit my lower lip.

Is it bad if I feel safe in this kind of position?

Silly, Ennea. Pinagsasabi mo riyan? Malamang safe talaga dahil sa ganitong posisyon, hindi ka mahuhulog sa kalsada. I just sighed and tried to brush off those thoughts away.

Hindi rin naman nagtagal ay inihinto na ni Pluvian ang motor. Ipinarada niya iyon sa harapan ng bahay, hindi naman niya kasi maipasok sa loob iyon dahil sarado ang gate.

Marahan akong bumaba sa motor at saka tinanggal ang helmet. Mula sa terrace ng bahay namin ay natanaw kong nakaupo sila Mom at ate Astrid. Kunot-noong nakasilip si ate Astrid sa labas ng gate na animo'y tinitingnan kung sino ang sakay ng narinig nilang motor at nang makita niya ako ay nanlaki ang mga mata niya.

"Mom, si Ennea po." Pagbibigay kaalaman ni ate kay Mom na kasalukuyang umiinom ng juice. Muntik maibuga ni Mom ang kanyang iniinom nang sabihin iyon ni ate. "Ha?" Nagtatakang tanong pa nito.

Pero hindi na siya napansin ni ate dahil dire-diretso na itong naglakad papunta sa amin at siya na mismo ang nagbukas ng gate.

Pagkabukas na pagkabukas ng gate, bumungad sa akin ang pagmumukha ni ate with her usual blonde hair, favourite yellow t-shirt and black shorts.

Dumapo ang tingin ni ate Astrid sa aking mukha, nanlaki ang gulat niya nang mga mata at nagmamadaling lumapit sa akin.
"Hoy! Anong nangyari sa mukha mo? Ba't may pasa ka?" She said in an almost panicking voice.

Hindi ko na siya nagawang sagutin dahil niyakap ko na siya. Nakalimutan ko na ngang bitiwan ang helmet dahil sa kasabikan ko sa yakap. And without knowing it, nagsimula nanamang tumulo ang mga luha ko.

The scenes that happened awhile ago came flashing like a terrible storm. Naramdaman kong mas lalo siyang nag-panic.
"H-Hey? A-Anong nangyari sa 'yo?" She gently tapped my back to calm my nerves but I just can't, alright.

I can't calm down. Kung kanina ay hindi ko alam kung anong ire-react ko dahil masyado naging mabilis ang mga pangyayari at pagkagulat lang ang rumehistro sa utak ko, pwes ngayon hindi. Dahil unti-unti nang nagre-register sa akin ang lahat. I almost died! I almost died without knowing the culprit and their motive!

"Astrid? Anong nangyari sa kapatid mo?" Narinig ko ang pamilyar na palaban na boses ni Mom na unti-unting lumalapit sa amin pero hindi ko inalis ang pagkakayakap ko kay ate Astrid.

"M-Mom, h-hindi ko po alam kung a-anong nangyari sa kanya. P-Pero may mga sugat siya sa katawan!" Nagpa-panic nanaman na sagot ni ate Astrid. Kasalukuyan niya nang hinahagod ang likod ko para pakalmahin ako sa pag-iyak pero hindi ko pa rin maiwasang humikbi.

"WHAT? ANONG SUGAT? A-Anong..." naramdaman kong ang presensiya ni mom sa tabi namin ni ate Astrid.

"T-teka Pluvian, hijo?" Gulat na bulalas ni mom sa pangalan ng lalaking nag-uwi sa akin. Napahinto rin si ate Astrid sa paghagod likod ko na parang nagulat din sa presensiya ni Pluvian. I don't know how they look like dahil nakasubsob pa rin ang mukha ko kay ate.

The Boy Who Lent His Umbrella (Universe Series #1)Where stories live. Discover now