Chapter Five

24 11 0
                                    

Chapter Five

NAIWAN AKO sa bahay habang sila mom at dad naman ay pumunta sa ospital para bisitahin si Cygnus.

Wala sa sarili akong napabuntong-hininga at napatingin sa pulang wallclock dito sa kusina.

Nagyaya na si mom kanina na bisitahin si Cygnus pero tumanggi ako. Mas minabuti kong paunahin sila ni ate Astrid na pumunta dahil gusto kong pumunta roon nang mag-isa.

Gusto kong pumunta ng ospital mag-isa. Gusto ko siyang kausapin mag-isa.

Mabuti nga at pumayag sila sa gusto ko kaya heto ako ngayon, inuubos ang oras sa kusina sa pamamagitan ng pagbe-bake. Bukod sa pagbabasa at pagsusulat ay hobby ko rin ang baking. Simula noong tinuruan ako ni mom noong thirteen years old ako kung paano mag-bake ay nahiligan ko na talaga ito.

Matapos ng ilang minutong paghihintay ay binuksan ko na ang oven para kunin ang aking finish product.

Sumalubong kaagad sa akin ang nakaaakit at nakatatakam na amoy ng brownies.

Isa-isa ko itong in-arrange sa isang malaking tupperware. Balak ko kasing dalhin ito sa ospital mamaya. Paborito kasi niya ito at sana ay matuwa siya kahit papaano.

Napangiti ako nang matapos na ako sa paghahanda. Dahil mabait din naman akong anak at kapatid ay naglaan din ako ng brownies para kila mom, dad, ate Astrid at kuya Leighton--iyon ay kung may balak pang umuwi ngayon ang kuya ko dahil umalis na siya kaninang umaga. Kailangan daw kasi nilang tapusin ang research study nila. Pero nakakasama lang ng loob dahil alam kong kahit na wala siyang gagawin, wala pa rin talaga siyang balak bisitahin si Cygnus, pero hindi na rin ako nagulat. Mukhang mananatiling mainit ang dugo ni kuya sa kanya.

Nang matapos ko na ang pagbe-bake, pag-aayos ng brownies at paghuhugas ng mga pinaggamitang kasangkapan ay pumanik na ako sa kuwarto ko para ang sarili ko naman ang ayusin ko.

Naligo na ako at namili ng susuotin. Feeling ko ilang oras nalang ay pauwi na sila mom kaya kailangan ko nang magmadali.

Pinili ko nalang suotin ang isang simpleng gray na damit at fitted jeans. Hindi kasi ako marunong pumorma kaya ganito.

Mayamaya lang ay narinig ko na ang pagkalansing ng wind chimes sa may pintuan sa sala, senyales na may papasok ng bahay.

Nagmadali na ako sa pag-aayos, ang perfume ay halos wala sa-ayos ko nalang din na-spray sa katawan ko.

"Ennea!" Nag-echo sa buong bahay ang mabungangang sigaw ni ate Astrid kaya mas lalo na akong nagmadaling bumaba sa sala.

"Ennea! Nandito na kami, it's your turn!" Pagbubunganga ulit niya.

"Oo! Eto na, eto na nga, oh! Pababa na nga oh!" Iritadong sigaw ko pabalik kay ate.

Pagkababa, pakiramdam ko ay nawala lahat ng iniligo at ini-spray kong pabango dahil pinagpawisan kaagad ako. Kainis ka talaga ate Astrid!

"Oh, Ennea. Ihahatid ka na ng dad mo sa ospital saka na siya didiretso sa bike shop. Gaano ka ba katagal do'n? Hihintayin ka nalang ba ng dad mo o ite-text mo nalang siya kung uuwi ka na?" Tanong sa akin ni mom.

"Pwede na po siyang dumiretso sa bike shop. Text ko nalang si dad kung papasundo na ako." Nakangiting sagot ko naman.

Tumango naman si mom at saka lumabas para siguro kausapin si dad. Natanaw ko sila sa harap ng gate ng bahay.

Napabaling ako kay ate Astrid na naka-cross arms at diretsong nakatitig sa akin.

"Pa'no ka?" Maangas ko kunyaring puna sa kanya.

The Boy Who Lent His Umbrella (Universe Series #1)Where stories live. Discover now