Chapter Ten

20 5 0
                                    

Chapter Ten

"Get off me!" Hiyaw niya habang pilit siyang iginagapos ng dalawang lalaki sa likod. Sinubukan niyang sipain ang isang lalaki na humahawak sa kanya pero nakailag ito.

"Aba loko 'to, ah! Lumalaban ka pa, ha?" Tinuhuran siya ng lalaki sa likod kaya naman napaluhod siya sa sakit.

"Argh..." walang laban siyang nakahilata sa sahig habang matagumpay na nakagapos ang mga kamay.

"Ano? Lalaban ka pa? Matapang ka pa?" Sigaw ulit ng lalaking nanakit sa kanya at akmang bibigyan pa ito ng panibagong atake.

'Wag... 'wag... please.

"Tama na! Please! 'Wag niyo na siyang saktan!" Nag-unahan sa pagtulo ang mga luha sa mga mata ko habang pilit na kumakawala sa sariling gapos ko.
"T-tama na, please. 'W-wag niyo na siyang saktan!" Pagmamakaawa ko sa kanila.

Napaharap naman sa akin ang lalaki. Isang ngisi ang gumuhit sa mukha nito.
"Aba, aba... nagmamakaawa na 'tong syota mo, oh." Malokong sabi niya sa lalaking tinuhuran niya kanina. Nagtama ang mga paningin namin, bakas sa mukha niya ang galit, sakit at takot... Cygnus.

Naputol ang pagtitig ko kay Cygnus nang hablutin ako sa pisngi ng lalaking nanakit sa kanya. Malagkit ang kanyang tingin sa akin na naging dahilan sa matinding kilabot at takot na naramdaman ko sa buo kong katawan.
"Aba't akalain mong maganda rin pala ang isang 'to!" Tumawa pa ito sa isang nakadidiring paraan. Sa paraan palang ng pagkurba ng labi niya at paghalakhak niya ay halatang may masama na itong pinaplano. Lumakas nang husto ang tibok ng puso ko, sobra-sobrang kaba ang nararamdaman ko.

Nilapit pa ng lalaki ang mukha niya sa akin habang sakmal pa rin ng palad niya ang magkabilang pisngi ko. Halos isang pulgada nalang ang layo niya sa akin at nahahagip na rin ng ilong ko ang amoy sigarilyo niyang hininga.

The Boy Who Lent His Umbrella (Universe Series #1)Where stories live. Discover now