Chapter Seven

36 8 0
                                    

Chapter Seven

"KICK HER and I'll kick you to death..." Pinaghalong kaba at pag-asa ang naramdaman ko dahil sa lalaking bagong dating. Seryoso ako nitong tiningnan bago binalingan ang tatlong lalaking nanakit sa akin. Nagulat ako nang biglang ang seryosong mukha niya kanina ay napalitan ng isang nakakaloko pero nakakatakot na ngisi para sa tatlong lalaki.

"Putangina, ikaw nanaman?" Pagalit na sigaw ng lalaking may hawak ng balisong. Mukhang kilala niya ang lalaking ito.

Tinitigan ko ang lalaking bagong dating. Isa lang ang masasabi ko: Hindi ko siya kilala. At kung ano man ang dahilan at naparito siya para tulungan ako, nagpapasalamat na kaagad ako!

Pero habang mas tinititigan ko ang lalaki ay nagmumukha siyang pamilyar sa paningin ko.

Ang buhok niya ay kulay dirty white, mukhang halos kasing edad ko lang din siya, his body built is just like kuya Leighton noong kasing edad ko palang ito. Iyon ang mga body built ng mga taong sporty at physically capable in combat.

Dirty white hair, he looks familiar. Pero still, hindi ko siya kilala.

"Oh, kilala mo pala ako? Sabagay, I would be disappointed kung hindi mo na ako maaalala," pabiro pang sabi ng lalaking may kakaibang buhok sa lalaking nanampal sa akin. Pinasadahan pa niya ang buhok niya gamit ang kanyang mga daliri habang naka-plaster pa rin ang ngisi sa kanyang labi.

"I will only say this once: pakawalan niyo ang babaeng 'yan," marahan pero ma-awtoridad niyang utos sa tatlong lalaki. Para bang walang problema kahit na malinaw pa sa sikat ng araw na may hawak na balisong ang isa sa kanila at nag-iisa lang siya samantalang tatlo ang kalaban niya! And we'll never know kung may iba pa silang sandatang nakatago!

Bigla akong nakaramdam ulit ng matinding takot hindi lang para sa sarili kong buhay kung hindi para na rin sa buhay ng estrangherong ito na balak yata akong iligtas!

"Ang daming mong satsat! Wala kang karapatan utusan kami dahil dito ka na mamamatay!" Parang bulkan na sumabog ang lalaking may hawak ng balisong. Sinenyasan niya ang dalawang niyang kasamahang goons and with that ay sumugod ang mga ito sa estrangherong tagapagligtas.

Isang suntok ang pinakawalan ng isang goon na effortless namang iniwasan ng estranghero. Para bang basang-basa niya ang mga galaw nito dahil isang ilag niya lang ay naiiwasan niya na ang mga ataki ng dalawang masasamang loob.

Pumunta naman sa likod niya ang isa sa mga goons at akmang hahampasin siya ng kahoy na napulot niya kung saan pero mukhang mabilis ang reflexes ng lalaking may kakaibang buhok dahil agad itong napigilan ang braso ng lalaking akmang hahampas sa kanya.

"Nag-lunch ba kayong dalawa?" Bored at mapang-asar na tanong niya pa sa dalawang lalaki.

Hindi ko alam kung mabibilib o maiinis ako sa isang ito. Mukhang hindi niya sini-seryoso ang mga nangyayari! Hindi niya ba alam na nasa bingit siya ng kamatayan?

Bago pa man makapag-react ang isa sa mga goons na may hawak ng kahoy ay buong lakas na niya itong tinadyakan. Sandaling napaluhod ang goon habang iniinda ang sakit.

Linapitan naman siya ng isang lalaki at akmang susuntukin habang nakatalikod siya pero hindi ito nagtagumpay dahil may lahi yatang ninja ang estrangherong ito dahil na-sense niyang a-atakihin siya patalikod! Hinarap niya ang lalaking susuntok dapat sa kanya at iniwasan ang atake nito kaya hangin lang ang nasuntok ng goon. Bumawi ng atake ang estranghero sa pamamagitan ng pagsipa nito sa tiyan ng kalaban.

Napa-flinch ako roon. Tunog palang ng sipa niya ay nakamamatay na.

Namalipit sa sakit ang goon na sinipa niya. Samantala, nakabawi nanaman ang isang kalaban at akmang susugod nanaman sa kanya gamit ang kahoy na pamalo nito pero naging alisto ang estranghero.

The Boy Who Lent His Umbrella (Universe Series #1)Where stories live. Discover now