Chapter Six

34 9 4
                                    

Chapter Six

TOO MUCH assumption can disappoint you in a way that you cannot imagine.

Ang buong akala ko ay sa wakas, nagkaroon na ako ng panibagong chance. Panibagong chance para mapansin niya ako ulit. A chance para sa akin naman mag-focus ulit ang lente ng camera niya.

But I guess masyado akong umasa.

Nakalimutan ko na sa mga larawan nalang pala matatagpuan ang mga alaala namin at ang mga larawang iyon ay matagal nang kupas.

Para akong sinampal ng katotohanan nang buksan ko ang pinto. Bumungad lang naman sa akin ang taong kasalukuyang sentro ng lente ni Cygnus.

"Celestine..." wala sa sarili kong bati sa kanya habang hawak pa rin ang door knob ng pintuan.

Bakas rin ang gulat sa mga mata niya nang makita niya ako. Bahagya siyang ngumiti sa akin.
"E-Ennea, ikaw pala." Halata ang pagkailang niya sa paraan ng pagbati niya sa akin.

Nginitian ko lang siya at nilawakan na ang pagkakabukas ng pinto para tuluyan na siyang makapasok.

Marahan siyang naglakad papalapit sa nakangiting si Cygnus.

The way he smiled at her, alam na alam mong in love siya. Iba ang ngiti ni Cygnus ngayon sa ngiting ibinibigay niya sa akin noon. I don't want to compare but I know that Celestine can make him smile better than I can and that is what important.

Iyong sumaya siya, iyong makita kong nakangiti siya kahit ibang tao na ang dahilan.

Nanatili lang akong nakatayo malapit sa may pintuan habang nag-uusap naman ang dalawa. Napalunok ako nang mapansing parang nagkaroon na sila kaaagad ng sariling mundo.

"Are you okay now? May mga masakit pa ba sa 'yo?" Nag-aalalang tanong ni Celestine kay Cygnus na kasalukuyan pa ring ngingitian ang babae.

"Hmm, medyo m-may masakit pa sa 'kin, eh." Tunog nakaaawa ang tono ng pananalita ni Cygnus but his face says it otherwise. May hint ng ngiti sa labi niya na pinipilit niyang alisin.

"W-what? S-saan ang masakit?" Nag-alala namang tanong ni Celestine habang in-examine na ang katawan ng pasyente.

"H-here. Dito yata ako napuruhan, eh." Tinuro ni Cygnus ang bandang tagiliran niya.

Really Cygnus? Kanina lang ay okay ka and now may masakit na sa iyo?

I've been with him for how many years and I know that he's just being his usual playful self again.

But I never knew that seeing his mischievous smile in his lips again would hurt me this bad. Dahil alam ko, alam ko na ibang tao na ang dahilan ng kasiyahan niyang ito.

This is just another proof na wala na talaga, Ennea

"Where?" Worried pa rin na tanong ni Celestine, habang hawak ang buhok sa isang kamay ay bahagya itong yumuko para tingnan ang itinuturo sa kanyang masakit ni Cygnus.

"D-Dito oh." Pag-uulit naman ni Cygnus habang tinuturo pa rin ang parte raw ng katawan niya na masakit.

What happened next broke my heart again.

Yumuko si Celestine para tingnan kung ano ba ang tinuturong masakit ni Cygnus but just when she did that, bigla nalang nag-lean ng kaunti si Cygnus at hinalikan siya sa noo. Then, a playful smile stretch on his lips again.

The Boy Who Lent His Umbrella (Universe Series #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin