Chapter Two

68 11 4
                                    

Chapter Two

HINDI SAPAT ang pagpupunas lang ng tuyong tuwalya kaya napag-desisyon-an nila mom at dad na tuluyan nang maligo ang mga basang sisiw para hindi mauwi sa ubo ang pagpapaulan nila.

Matapos nilang mag-ayos ay nagtipon-tipon kami sa sala.

"Leighton, sa susunod 'wag niyong nilo-lowbatt ang cellphone niyo para hindi kayo pahirapan kontakin! Tingnan mo tuloy ang nangyari sa inyo!" Balik sermon ni mom kay kuya.

Walang sinabi ang pagiging bagong ligo ni kuya sa armalite na bibig ni Mom.

Napakamot naman sa batok si kuya, "Yes, Mom. Hehe. Next time sisiguraduhin kong dalhin ang powerbank. Nakalimutan ko lang talaga siyang dalhin dahil nagmamadali kami umalis kanina..."

Habang patuloy na sinisermunan ni mom si kuya Leighton ay napansin ko naman si ate Astrid na nakamasid doon sa unfamiliar guy na kasama nila kuya.

"Huy, ate! Bakit panay ang tingin mo r'yan? Kras mo 'no?" Panga-asar na bulong ko sa kanya kahit na alam ko na iba ang dahilan niya kung bakit panay ang tingin niya sa bawat isa sa kanila.

Kinunutan niya ako ng noo, "Pinagsasabi mo? Masama bang tumingin? Ikaw, ma-issue ka talaga!" Pang-asar din na bulong niya sa akin.

"Hoy, hoy! Anong binubulong-bulong niya r'yan? Sali niyo naman kami!"
Biglang singit ni kuya Leighton sa usapan kaya naputol ang asaran session namin ni ate.

Babarahin ko palang sana si kuya nang naunang bumanat si ate Astrid.
"Eto kasing sutil na bunso niyo kanina pa nakatitig sa kanya!" Walang hiyang itinuro ni ate Astrid si unfamiliar guy bago dinugtungan ang sinasabi. "...kursunada yata ni Ennea!"

Halos ibuga ko ang lahat ng nainom ko buong maghapon nang sinabi iyon ni ate Astrid.

Sa sobrang gulat ko sa sinabi niya ay by instinct kong hinablot ang katabi kong plastic na flower base at akmang ihahampas iyon sa braso niya pero natatawa lang niya iyong sinalag! Ate Astrid and her ninja moves!

Napapikit ako sa iritasyon nang humagalpak sa tawa si kuya Leighton.

Hay. Pwedeng lamunin na ako ng lupa ngayon din?

Parang lulubog ako sa kinauupuan ko nang makitang natatawa na rin sila mom at dad! Walang hiya ka talaga ate Astrid!

Pati si kuya Sage ay parang kinikiliti ang tiyan sa katatawa. Si Ryker naman ay nakangisi sa isang gilid, habang si unfamiliar guy ay walang imik na nakasandal pa rin malapit sa may pintuan ng sala. Parang wala siyang pakialam sa nangyayari at tahimik lang na nakatanaw sa pag-ambon sa labas.

"Leighton, siya ba ang sinasabi mong bago niyong drummer sa banda?" Tanong ni dad kay kuya Leighton.

Thanks God ay humupa na naman ang tawa nila kuya dahil sa pormal na tanong ni Dad.

Pero may hang over pa rin si kuya sa pagtawa at nagpunas pa siya ng luha sa mga mata niya bago siya sumagot.
"Yes, dad. No'ng una ay nahirapan pa kaming maghanap kasi syempre... mahirap palitan si Gage,"
Napansin kong pasimpleng tumingin si kuya kay ate Astrid na nag-iwas ng tingin.

Si kuya Gage ay dating drummer ng banda nila kuya at ang nakababatang kapatid ni kuya Sage. Kasing edad niya si ate Astrid at... mayroon yata silang 'something' kaya lang nabalitaan ko nalang last month na umalis na pala siya papuntang Canada sa hindi ko malamang dahilan.

"Yeah, Gage is an excellent drummer pero nakahanap kami ng swak na pwedeng pumalit sa kanya..." si kuya Sage na ang nagpatuloy sa pagku-kwento. Gaya ni ate Astrid ay walang habas din niyang dinuro si unfamiliar guy.
"...we're lucky na natagpuan namin itong yelong 'to, tito Eugene. Kahit na hindi siya gaanong pala-salita ay magaling din siyang mag-drums kaya hindi nahirapan ang banda na mag-adjust sa bagong drummer." Paliwanag ni kuya Sage.

The Boy Who Lent His Umbrella (Universe Series #1)Where stories live. Discover now