5

5.3K 328 24
                                    

5

Binibini ng mga Vidrumi




Tahimik naming tinatahak ng Prinsipe ang daan pabalik sa hardin, kung saan hanggang ngayon ay nagkakaroon pa rin ng kasiyahan. Tanging ang liwanag lang ng panggabing buwan at ng mga mumunting alitaptap ang naging gabay namin ni Elric sa dilim.

"Magpahinga muna tayo rito, binibini."

Nilingon ko ang itinuturo niyang puno. Kinagat ng kamahalan ang kanyang labi bago walang sabing umupo sa ilalim ng puno. Nanatili naman akong nakatayo sa kanyang harapan at tahimik siyang tinitingnan.

"Aking binibini?" tawag niya sa akin sabay taas ng isang kilay. Inilahad niya ang kanyang tabi bago nag aabang akong tiningala. MAhina ang naging pag iling ko bago ko nilingon ang kasiyahan roon.

Dumaan sa aking isipan ang imahe ni Isabella na nag iisa roon. Hanggat kasama ko si Elric rito sa hardin ay hindi mangyayari ang dapat na mangyari ngayong gabi.

Mabigat man sa aking loob pero itinadhana na ng Dyosa ng Setrelle ang pag iibigan ni Elric at ni Isabella. At dahil isa lamang akong instrument para maging silang dalawa, kailangan kong gawin ang nararapat.

"Kamahalan, mas makabubuting bumalik na tayo roon at----"

"Klintar Amelia, hinihiling ng isang Vaurian na umupo ka at tumabi sa akin," aniya sa mas mababang boses. Sa mga salita niya ay naintindihan ko ng kailangan ko nga siyang sundin at wala na akong magagawa kung hindi ang umupo sa kanyang tabi.

Padarag akong umupo tatlong dipa ang layo sa kanya. Mabilis kong niyakap ang aking mga tuhod at hindi nagsasalita.

"Napakalayo mo naman sa akin."

"Mas mabuti ng ganito, kamahalan."

Pagilid niya akong nilingon at natawa ng bahagya. Biglaang kumilos si Elric at agad na lumapit sa akin.

"Bakit bigla kang nagsawalang kibo, aking binibini? May nasabi ba ang iyong Prinsipe na ikinasama ng iyong loob?" mahinahon niyang tanong. Napalunok ako at huminga ng malalim.

"Kamahalan, naniniwala ka bang nagsisimula ang pagbabago sa nakatataas?" malamig kong tanong. Sumeryoso ang mukha ni Elric habang tinitingnan ako.

"Siyang tunay, Amelia..."

"Naniniwala ka rin bang ang pinakamalalim na suliranin ng Setrelle ay ang hindi pagkakapantay pantay ng trato ng mga tao sa isa't isa dahil sa estado at angkan?" pagpapatuloy ko. Iyong pilyong ngiti ng prinsipe ay unti unting naglaho sa aking mga salita.

"Ikinasasama ba ng loob mo ang pagpipilit ko sayong maupo sa aking tabi?"

Nilingon ko siya at malungkot na tumango. Bumagsak ang mukha ni Elric habang ako ay mahinahong nagpatuloy.

"Siguro hindi mo naiintindihan, kamahalan, dahil ipinanganak kang nasa tuktok. Pero para sa mga katulad namin na palaging sumasagot sa inyong angkan, mahirap ang sundin ang kagustuhan ninyo na labag sa aming kalooban."

Bumuntong hininga siya at tinitigan lamang ako habang nagsasalita. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at pinanood lamang niya ang aking galaw.

"Mahal na Prinsipe, ang kalayaan ng isang tao na magawa kung ano ang ninanais niya ay isa sa pinakamagandang biyaya ng Dyosa sa atin. Lahat tayo, Vaurian man o Destal, ay may karapatang pumili. Hindi sapat ang estado ng isang tao para ipilit ang kanyang kalooban sa iba. Isipin mo, kung ako na isang binibini na mula sa isang makapangyarihang angkan ay nasasaktan sa ganito, paano pa ang mga mababa at walang kapangyarihan?"

The Prince's FianceeWhere stories live. Discover now