15

11.4K 400 349
                                    

15

Halik




Mahabang katahimikan ang namayani sa bulwagan ng palasyo matapos ang propesiya ni Binibining Rhaela. Sa ilang sandaling iyon ay nanatili lamang kaming magkahawak kamay ni Amreit, tigagal pa rin sa mga narinig namin.

 Sa ilang sandaling iyon ay nanatili lamang kaming magkahawak kamay ni Amreit, tigagal pa rin sa mga narinig namin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Sinong hari ang kanyang tinutukoy?" basag ni Haring Armeo sa katahimikan. Nagkasalubong ang tingin namin, doon ay nakita ko sa kanyang berdeng mata ang galit noong nilingon niya ang prinsipeng nasa aking tabi.

Naramdaman ko ang pag higpit ng hawak ni Amreit sa aking palad bago niya ako biglaang binitiwan. Tumayo ang reyna, ang kanyang pulang damit ay eleganteng sumasayaw sa saliw ng kanyang bawat hakbang. Inilagay niya ang kanyang palad sa balikat ng hari bago ngumiti ng nakabibighani.

"Sino pa, aking mahal, kung hindi ang ating panganay na anak? Alam ng lahat, ng iyong buong konseho, na si Amreit ang magmamana ng iyong korona, hindi ba?"

Inabot ko ang kamay ni Amreit at doon ko naramdaman ang kanyang panlalamig. Tumigas ang mukha ng hari habang pinapanood ang mga Destal na inilalabas ang walang malay na si Rhaela mula sa bulwagan.

"Huwag ka ng mabahala, Kamahalan. Magpahinga ka na sa iyong silid," anas pa ng reyna. Nilingon niya ang mga ministro at ang buong konseho at gamit ang klarong boses ay nagsalita siyang muli.

"Tapos na ang pagpupulong na ito. Narinig natin mula mismo sa Mata na ang aking anak na si Amreit at ang kanyang Hara ang nakatakdang mamuno ng Setrelle. Sino mang tumutol rito ay haharapin ang batas ng Setrelle at ang galit ng ating Dyosa," utos niya. Bago pa man makalabas ang mga ministro ay bumitaw na sa akin si Amreit at naunang lumabas sa bulwagan.

Nilingon ko ulit ang kanyang mga magulang at nagtama ang tingin namin ni Elric. Tiim ang kanyang bagang bago tumalikod at lumapit sa kanyang ama. Hindi ko malaman kung bakit ngunit nakaramdaman ako ng bigat sa aking dibdib ng makita ang reaksyon nito.

Hanggang sa nakabalik ako sa aking silid ay laman ng aking isipan ang mga naganap sa bulwagan ng hari. Nagbago na ang takbo ng nobela mula sa orihinal kung kaya't hindi na rin ako nakakasiguro sa magiging katapusan nito. Hindi ko na alam kung sino talaga ang maluluklok bilang susunod na hari ng Setrelle, kung si Amreit ba o si Elric.

Napakarami na ng pagbabago. Mula sa pagkagusto ni Elric sa akin, sa mga maliliit na pangyayari sa pagitan naming dalawa, hanggang sa pagiging Hara ni Amreit. Kung tama ang propesiya ni Rhaela ay ako ang susunod na reyna ngunit...ngunit kailanman ay hindi ako mapuputungan ng korona.

Napatigil ako sa paglalakad sa aking silid bago nanlamig. Dalawa lamang ang maaring dahilan kung bakit hindi makokoronahan ang isang babaeng Vaurian bilang reyna. Una ay kung itatanggi ng hari ang korona sa kanya o di kaya'y...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Prince's FianceeWhere stories live. Discover now