8

4.6K 304 29
                                    

8

Prinsesa



"Malalim na ang gabi, aking kapatid. Hindi ka pa ba magpapahinga?" untag ni Amreit sa akin. Katulad ko ay tanging puting roba na lamang na nakatali sa aming mga beywang ang suot. Nakasandal ang aking nakatatandang kapatid sa bukana ng aking silid habang pinapanood ako sa aking terasa.

"Maaga kang nagdilat, hindi pa man sumisikat ang araw. Ngayong nariyan na ang buwan ay hindi ka pa rin nahihimbing."

"Wala pa si Apitong, kapatid," anas ko. Humawak ako ng mariin sa terasa habang hinihintay ang pagbabalik ng aking kwago. Isang oras na dapat siyang nakakabalik rito mula sa Apryanya ngunit hanggang ngayon ay wala pa siya.

Hindi lilisan si Apitong kay Amelia hanggat hindi nababasa ng aking binibini ang liham na ipinadala ko. Hindi kaya...

Napapikit ako ng mariin. Binibining Kleona, saan sa panatagin mo ang aking damdamin ang hindi mo maunawaan? Milya milya na ang pagitan nating dalawa ngunit nagagawa mo pa ring sakupin ang aking isipan.

"Saan mo ba siya pinapapunta?" tanong ni Amreit, lumapit na sa akin sa may terasa. Hindi ako sumagot habang iyong kapatid ko ay nagdududa na akong tiningnan.

"Bakit pa ba ako nagtatanong? Baka napagod si Apitong sa paglipad, Elric. Ang Apranya ang pinakamalayo sa palasyo," aniya. Umiling ako, siguradong nagkakamali ito sa sinabi.

"Mukhang may pagtatangi ka na sa anak ni Daniel," dagdag ni Amreit. Hindi ko siya pinansin. Dumiretsyo ako sa aking kwarto at mabilisang nagbihis. May nangyayari sa aking binibini, sigurado ako roon.

"Elric? Saan ka pupunta? Malalim na ang gabi!"

Kinuha ko ang aking armas at sinabit iyon sa aking katawan.

"Sa Apranya,"maikli kong sagot. Isinuot ko sa aking likuran ang kapa bago inayos ang pagkakasabit ng espada sa aking tagiliran. Hindi na ako mapakali. Ang isipin pa lamang na may masama ng naganap kay Amelia, para na akong nilalagutan ng hininga.

Hindi na ako nagpaalam sa aking kapatid. Dumiretsyo ako sa kwadra ng kabayo at kinuha ko ang akin. Mabilis ko iyong pinasibad para makarating agad sa Apranya, sa tirahan ng aking binibini.

Mahirap ang naging paglalakbay namin ni Argo, ang aking kabayo, papunta kina Amelia. Madilim at mabato ang daan patunga sa kanilang bayan. Tanging ang naging gabay ko na lamang ay ang liwanag ng buwan at ng mga tala sa kalangitan.

Tatlong oras matapos kong umalis sa palasyo ay nakita ko na ang dulo ng Apryanya. Hinigit ko ang renda ni Argo para huminto sa isang batis roon. Madali kong hinila ang aking kabayo para makainom kaming dalawa roon.

Sa silangan ay unti unti ng nagpapakita ang haring araw. Umupo ako saglit sa damuhan para umusal ng dasal para sa Dyosa.

Hindi ko alam kung para saan itong takot na ito. Kahit kailan, sa digmaan man o sa simpleng dwelo sa mga kawal, ay hindi pa ako natakot ng ganito. Maging ang mga halimaw na pinaslang ko tuwing nangangaso ay hindi pa nakapagpanginig sa akin.

Ito lang. Ngayon lang. Dahil sa isang binibining hindi kayang tuparin ang pangakong papanatagin ang aking kalooban.

Sumakay muli ako kay Argo. Dalawang oras pa bago ko marating ang mansyon ng mga Kleona. Mahirap ang daan sa Apryanya gawa ng pagbabago sa lupain dala ng pagmimina. Idagdag mo pang sa limang bayan ng Setrelle, ito ang pinakamalawak, hindi ang kapital.

Nakarating na ako sa tahanan ng mga Kleona makalipas ang isa't kalahating oras. Hindi katulad ng mga normal na araw, mas maraming tao ngayon sa tahanan nila. May iilang mga Vidrumi ang nakamaskara at tumatakbo papasok at palabas sa mansyon.

The Prince's FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon