11

4.2K 249 37
                                    

11

Hiling ng Dyosa





Parang sinusunog ang puno ng aking lalamunan noong tuluyang bumalik ang aking ulirat. Naramdaman ko ang haplos ng isang kulubot na palad sa aking balat bago ako bumaling roon.

"Kamusta ang iyong pakiramdam, Klintar?" bati ng matandang lalaki sa aking tabi. Mahaba ang puting buhok nito na nakatirintas ng magulo. Gusot rin ang asul na roba na kanyang suot habang uugod ugod ang paggalaw.

Tinulungan niya akong makaupo bago ako inabutan ng malamig na tubig para mainom. Agad ko iyong kinuha at naampat ang aking uhaw mula roon. Noong matapos ako sa pag inom ay kinuha ng matanda sa akin iyon.

"May nararamdaman ka pa rin ba?"

Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib at hinang hina na umiling. Bukod sa sobrang panghihina at pagod ay wala na akong nararamdamang kahit na ano. Nanatili ang titig sa akin ng matanda bago siya tumayo at may kinuha sa mesa malapit sa aking kama.

"Matalino ang kamahalan at sa akin ka niya dinala. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na may kakayahan kaming mga Telmar na mahanap ang lunas para sa iyong Rornos," aniya. Sumikdo ang aking dibdib ng marinig ang kanyang sinabi,

"A-ang kamahalan ang nagdala sa akin rito?"

Tumango ang matanda bago niya inilapag sa aking tabi ang dinikdik na dahoon. Kulay asul iyon na may pinong puting balahibo.

"Siya mismo ang naghatid sa iyo rito sa aking tanggapan. Hindi na ako nagtaka na hindi ka niya dinala sa mga Vidruming manggagamot. Alam kong hindi pa nila napagaaralan ang pasikot sikot ng Rornos. Ngunit nakakagulat na may kaalaman ang Prinsipe sa mga halaman na tumutubo sa Skiele at kung paano niya naisip na rito ka dalhin para malunasan."

Hindi na ako mapakali sa nalaman. Sinundan ko ng tingin ang matanda na ngayon ay kinuha ang halaman na nasa aking tabi.

"Kainin mo ito para manumbalik ang iyong lakas. Nanghihina ka sa dami ng dugong nawala sa iyo," sabi nito sa akin. Kinuha ko ang mga asul na dahoon na iyon habang ang matanda ay nanatiling nasa aking tabi at nakabantay.

"N-Nasa Skiele po ba ako, Ginoo?" tanong ko. Base sa kanyang sinabi kanina na isa siyang Telmar, maaring nasa bayan nga nila ako. Tango lamang ang naging sagot ng matanda bago kinuha ang plato ng dahon na ipinakain niya sa akin.

"Nasa hangganan tayo ng teritoryo ng Skiele at Briaria. Dito ka dinala ng Prinsipe mula sa inyong tahanan sa Apranya."

Parang lumobo ang aking dibdib ng maisip si Elric na naglakbay para lamang malunasan ang aking karamdaman. Kahit hindi ko naisin ay hindi ko maiwasang matuwa na malamang nag alala sa akin ang aking kamahalan.

"Mapalad ka at mag kauri kayo ng dugo ng kamahalan. Hindi na kami naghirap ng magsasalin sa iyo ng dugo para maalis ang Rornos sa iyong Sistema. Gayunpaman ay nag aalala ako sa Vaurian dahil nanghihina siya matapos ka niyang salinan ngunit nagmadali pa rin siyang bumalik sa Briaria."

Akma pa sana akong magsasalita noong biglang nagbukas ang pintuan ng aking silid. Tatlong kawal mula sa palasyo ang sapilitang pumasok roon.

"Binibing Amelia ng angkang Klintar?"

"Ako nga..." sagot ko. Sinenyasan ng kawal na nagsalita ang dalawa niyang kasama para makalapit sa akin. Bago pa man nila ako mahawakan ay humarang na agad ang matanda sa kanilang daraanan.

"Hindi pa ganap na nanunumbalik ang lakas ng binibini---"

"Ikaw ang kanyang manggagamot?" sikmat ng punong kawal. Tiningnan niya ang matanda mula ulo hanggang paa bago mayabang na ngumiti.

The Prince's FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon