6

5.5K 293 13
                                    

6

Reyna Karolina




Mamamatay ako. Pagkatapos ng lahat ng ito ay malalagutan ako ng hininga, iyon ang sigurado ako. Sa takbo ng mga pangyayari, kahit na may mga nagbabagong parte ng kwento, isa pa rin ang sigurado, sa dulo ng lahat ay mamamatay ako.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal naglalakad pabalik balik sa kwartong inihanda ng reyna para sa aking ngayong gabi. Nakalimutan yata ng antok na dalawin ako dahil malalim na ang gabi at mulat na mulat pa rin ako. Lahat ng mga sinabi ng binibining Vidrumi ay nanatili pa ring presko sa aking isipan.

Mawawala sa akin ang lahat kapalit ng biyaya para sa Setrelle. Pinipilit niyang lumayo na ako bago ako tuluyang maitali. Pero maitali saan? Sa lugar na ito? Sa Prinisipe? Sa mga Vaurian?

Sinasabi ba niyang hindi kami dapat maikasal ni Elric? Kasal lang naman ang maaring magtali sa akin at sa prinsipe ng angkang Vaurian. Matagal ko ng balak na tanggihan ang kasal na iyon kaya ano pa ang maaring maging paraan ng pagtatali sa aming dalawa.

Ibinagsak ko ang aking katawan sa malambot na kama at tinitigan na lamang ang kisame sa kawalan ng magagawa. Ipinikit ko na lamang ang aking mata ng makarinig ako ng musika sa may hardin, sa tapat lamang ng aking silid.

Tumayo ako at nakita ang isang itim na bulto, may hawak na gintong plauta. Sa ilalim ng maliwanag na buwan at libo libong bituin, tumutogtog ang binate ng isang malungkot na melodiya. Nakasandal siya sa puno ng saresa habang malungkot na hinihipan ang instrumento.

Ilang metro lamang ang layo ng binata sa akin. Unti unting nilamon ng tunog ng kanyang plauta ang katahimikan ng gabi. Lahat ng iniisip ko kanina, tungkol sa aking tadhana, sa kwentong ito, sa prinsipe, ay unti unting Nawala habang nakikinig ako sa kanya.

Lumingon ang binata sa aking direksyon at bahagyang natigilan ng makita ang aking panunuod. Napasinghap naman ako sa gulat ng ibinulsa niya ang kanyang plauta at walang anumang tumakbo sa direksyon ng aking kwarto. Bigla na lamang itong nawala para lumitaw sa baging na malapit sa terasa ng aking silid. Inabot niya ang barandilya ng aking terasa at nilundag iyon para makalapit sa akin.

"Magandang gabi, aking binibini," anas ng baritonong boses nito. Napanganga ako ng matanto kung sino ang nasa aking harapan.

Ilang beses akong lumunok at sinikap na ayusin ang aking buhok. Malapit na akong matulog at hindi na iyon maayos. Ramdam ko pa ang ilang hibla ng aking pulang buhok na sumasabog sa aking pisngi.

"K-Kamahalan..."

Kinagat niya ang ilalim ng kanyang labi at pilyong nilingon ako. Isinandal niya ang kanyang beywang sa barandilya at sinilip ang aking kama.

"Hindi ka yata makatulog?"

Mabilis akong umiling. Payuko niya akong tinitigan, iyong itim niyang buhok ay bahagyang tumabing sa kanyang asul na mata.

"Maging ako man, binibini. Hindi ko alam kung bakit pero hindi rin ako dinadalaw ng antok."

Napalunok ako at pinanood siya. Kalahati ng mukha ng kamahalan ay nabibigyang liwanag ng buwan habang ang natitirang kalahati ay misteryoso dala ng dilim ng gabi.

Hindi ko napigilan ang biglaang pagragasa ng init sa aking pisngi habang pinapanood ko ang prinsipe na tahimik na tinitingnan ang mga tala sa kalangitan ng Setrelle.

Alam mo ba, kamahalan, na balang araw ay puputungan ka ng korono at ikaw ang magiging hari ng buong bansa? Magkakaroon ka ng reyna sa katauhan ni Binibining Vega at magiging masaya ka sa iyong tanang buhay. Ipinagdarasal ko sa Dyosa ng Setrelle, at sa Diyos sa aking mundo, na sana'y maging mabuti sa iyo ang tadhana. Kahit sayo na lamang. Kahit ikaw na lang.

The Prince's FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon