Chapter 004

545 6 0
                                    

“Sabihin na kasi. Anong koneksyon mo kay Rhys?”

Tiningnan ko siya at nagpout sakin si Bea. Kungsabagay, may karapatan siyang malaman. Ano pa’t naging magkaibigan kami. Tsk.

“Well, tinanong ko siya kung bakit niya ako hinatid, sabi niya naman..” tumango siya saken. “Sabi niya, dahil family friend daw ako ni Vincent.” I smiled bitterly. “So yun lang.”

She looked at me habang nakataas ang kilay. “Oooowwsss?”

“Ows ka diyan. Tigilan mo nga ako. Yun lang talaga. Heartbreaking kasi I didn’t hear the reason na gusto kong marinig.”

Bigla na naman siyang tumingin saken at nanlaki ang mga mata nito.

“OMG. Ikaw riiiin? Nakagat ka rin ng “Rhys-bug”? OMG.” O___O

Bigla akong napatahimik. Oo, mukha nga.

“Oh please.. wag ka ng magdeny! Alam ko na no. Halata sa PULA mong mukha.” At bigla siyang tumawa.

“Very funny.” I said sarcastically.

“Kung sabagay bestfriend, gwapo nga naman si Rhys. Matalino pa. At medyo matino. Kaya hindi ako magtataka kung nakagat ka din ng Rhys-bug.” She laughed again.

“Eh bakit ikaw? Hindi mo ba siya gusto?”

“Ano ka ba! Alam mo namang may gusto akong iba diba?” She grinned.

“Hindi ko alam kung bakit mo nagustuhan yung Raph na iyon. I mean.. diba dapat nga-“

“Diba dapat nga hindi ko siya nagugustuhan dahil kuya siya ng bestfriend kong si Yana?” She laughed again. “Naku Yana, ayos lang ito no. Wala namang malisya itong pagkakagusto ko sa kanya. Kung-“

“Pero masasaktan ka lang Bea. May girlfriend na si Kuya at sa tingin ko, it’s time to give him up.”

Bigla siyang napatigil at napatingin sakin. Nanlaki na naman ang mga mata niya at napanganga siya.

“Repeat that again.”

“It’s time to give him up?”

“No! The other one.. before that, I think.”

“May girlfriend na si Kuya.” Bigla siyang napahawak sa ulo niya at sumunod sa kanyang puso.

“Sabihin mong nagbibiro ka lang Yana! Walang girlfriend ang Kuya mo! Yan ang sinabi niya saken noon! At hindi siya sinungaling! Kaya wag kang magbiro ng ganyan!”

“Pero Bea.. last year niya pa iyang sinabi sa iyo na wala pa siyang girlfriend. Meron na ngayon. Kaya tigilan mo na siya.”

“Tumigil ka nga! Kahit kailan, hindi ko titigilan ang Kuya mo. Over my dead body.”

“Ewan ko sa iyo.” sabi ko at naglakad na. Sumunod naman si Bea saken.

Pagkatapos ng Physics naming subject, nagligpit na muna ako ng gamit at pupunta na sana ng toilet room nang kinalabit ako ng seatmate ko sa gilid.

“B-bakit Trish?” O_O

“Nagdate ba kayo ni Rhys Romualdez kahapon?”

“Huh? N-nag-d-d-date? Anong pinagsasabi mo?”

“Wag mo ng ideny. Nakita ka ng mga schoolmates natin! Alam mong mahal na mahal ko si Rhys at marami pa ang nasa sitwasyon ko din! How could you do this to us?! How could you?!”

“Hindi kami nagdate. Hinatid niya lang ako sa bahay.”

“Hiiiinaaatttttiiiiiidddd?!” Napahawak siya sa puso niya at nahimatay. Promise, nahimatay si Trisha. Kaya naman dinala namin siya sa clinic. Tumawa nga ang nurse ng malamang si Rhys Romualdez ang dahilan ng pagkahimatay niya.

Fall For YouWhere stories live. Discover now