Chapter 028: Rhys POV

245 2 0
                                    

“She’s really leaving, huh?”

“Yep.” He nodded.

Napatingin ako sa kawalan habang hawak-hawak ang bote ng beer.

“Hindi na ba talaga siya mapipigilan?”

“Bakit, may plano kang pigilan siya?” Napatingin ako sa kanya.

“Wala.”

“Hindi rin naman siya papipigil. Siguro kung may isang taong makakapagpigil sa kanyang lumabas ng bansa.. alam mo kung sino yun.”

Pinatong ko ang beer sa mesa at tumayo.

“Salamat sa oras.” Dahan-dahan akong naglakad palabas ng resto.

“Rhys!” Napalingon ako at napatingin sa kanya.

“Hayaan mong alagaan ko siya habang wala ka.”

“Hindi na ako babalik sa kanya.”

“Hayaan mong alagaan ko siya.”

“Hindi. Kung meron mang isang taong ipagpapaubaya ko si Yana, hindi ikaw yun Raphael Perez. Hindi ikaw yun.” My fists turned into a ball.

“Just let me try, Romualdez. Just let me try.”

Napatingin ako kay Raphael Perez. Ewan ko ba, pero parang nakita ko ang sarili ko sa kanya. Marahil, siya ang bagay kay Yana. Marahil, matutulungan niya si Yana. Malamang, pwede sila.

“Just.. love her..” Sabi ko sa kanya. “More than I do.”

I got on my car and left Perez standing there. I want to make everything right. And I should start with Yana. Me and Yana.

5:30 AM.

Should I say goodbye?

NO.

Should I say goodbye?

YES.

Tumayo ako at kumuha ng tshirt.

NO.

Humiga ulit ako sa kama at napatingin sa kisame ng kwarto ko.

I put on my shorts and started running my way to the garage. I need to say goodbye, I need to see her one last time. Then after this, I promise, WALA NALast na talaga to.

Nakasakay na ako ng eroplano, pero walang Rhys na dumating. Siguro nga this is real life. Walang last moment na ‘please-dont-go’ effect. Walang ganun ganun. 

[End of Rhys POV]

“Paalam.” I whispered to myself. I do hope he hears it.

Fall For YouWhere stories live. Discover now