Chapter 24 | Human Alcohols Doesn't Affect Me

46 10 0
                                    

Chapter 24 | Human Alcohols Don’t Affect Me

Pauline Cynthia Zunino’s Point of View

“You better remove your bracelet now, kapag nawala mo ‘yan hindi ko na siya makukuha for you,” Sara reminded me as we both stepped outside, carrying our bags into the back of the van.

I blew a breath. “Hindi naman ako magswiswimming.”

“Dahil kasama si Warner?” Nakataas ang kilay niya at halatang sesermonan niya ako kapag sinabi kong oo.

I rolled my eyes. “May sakit pa ako, baka mas lalo lang lumala.” 

Binagsak namin ang bag katabi ng patong-patong na bags nila Xavier at Hera. “Wala ka ng sakit, sad ka lang talaga kaya akala mo hanggang ngayon meron pa.”

“Meron pa!” Giit ko.

Umirap si Sara. “Baby Pau, you’re the one who rejected Warner, hindi dapat ikaw ang umiiwas.” 

Kung hindi ako iiwas, hindi din naman siya iiwas. Kaya ako na lang.

I kept my mouth shut as we both walk back to the house to get the other bags left. 

Today is the so-called ‘happy outing’. Three o’clock pa lang ay naghahanda na sila Raine, Xavier at Cyran; they were busy cooking and roasting foods to bring in our journey. Halatang excited din si Raine dahil kanina pa ang panay silip niya sa bintana, inaabangan si Warner at Luke.

“Oh there’s Warner,” I heard Raine say as she peaked through the window.

Pinigilan ko ang sarili ko na lumingon; kunwari ay walang pake pero ang totoo ay kanina ko pa talaga iniisip kung tutuloy ba talaga siya sa disaster plan na ‘to or mare-realize niya na dapat ay iniiwasan na talaga niya kami ngayon.

“Good morning!” Imbes na boses ni Warner ay boses ng babae ang narinig ko. 

Hindi ko tuloy mapigilan lumingon para silipin kung sino ‘yon.

My head boiled when I saw that lady, Kelly, smiling at all of us. She’s wearing a strapless floral dress and a sun hat at the top of her wavy, brown hair. Malaki ang ngiti niya lalo na nang sinalubong siya ni Raine at nagpakilala sila sa isa’t-isa.

What the…

Warner is indeed an asshole! What a shameless, pathetic, horrible, petty and annoying jerk!

Ang kapal ng mukha! Nakakainis!

Sasaksakin ko ang dalawang ‘to mamaya…

“Sorry I had to pitched in with your outing, wala kasi akong masasabayan and then I heard dun ang punta niyo ni Aeson,” maarte niyang sabi at pinaypayan pa ang sarili.

I rolled my eyes.

Bahala kayo d’yan, ilalagay ko na lang ‘tong gamit sa van.

Wala akong pake. That’s right. I don’t care if he’s bringing his date to our outing. I don’t care. I don’t shitty care, at all. 

Magpakasaya siya.

Kinuha ko ang isang bag ni Hera at nilagay iyon sa likod ko habang nasa isang kamay ang bag ni Cyran. 

“Excuse me,” I bitterly spat out at Warner when I saw him still standing on the door.

“Let me carry that for—”

Sinamaan ko siya ng tingin. “I said, excuse me.” I hissed through gritted teeth, feeling annoyed at him and I don’t even know why.

Tinitigan niya ako ng mariin at pinagmasdan ako.

The Girl Who Hides MagicWhere stories live. Discover now