H30

37.1K 1.1K 223
                                    

Pasensya na sa kabagalan ng UD. Sana sulit ang paghihintay niyo. Hihihihihi!

#TeamPula, #TeamEthos o #TeamBrylle? <3 <3 <3

---

H30

WHY do you have to lie to me, Ethos?’ Puno ng hinanakit na bulong ni Hera sa sarili habang pinagmamasdan ang natutulalang kababata.

Matapos kalikutin at usisain ni Ethos ang cellphone na inilabas niya ay natigilan ito. Bumalatay sa gwapo nitong mukha ang pagkalito…at ang isang reaksyon na nagpapakirot ngayon sa kanyang puso.

Sana ay hindi na lang siya umasa kanina na lahat ng sinabi nito sa kanya ay totoo. It was so stupid of her to do so. Nasasaktan tuloy siya ngayon dahil doon.

Ikinuyom niya ng mariin ang kanyang kamao at pinigilan ang sariling muling umiyak. Unti-unting bumabangon na naman ang galit sa kanyang puso. She can’t help it. Nagsinungaling ito sa kanya. At ang masakit pa ay ginamit nito ang pangalan ng kanyang ama para lang makuha ang loob niya.

“Weeks ago, someone tried to kill me by drowning me in the pool.” She swallowed hard. Pilit kinakalma ang sarili kahit na gusto niyang magwala dahil sa labis na sama ng loob na kanyang nararamdaman.

Naguguluhang nilingon siya ni Ethos. Wari’y gusto nitong iparating sa kanya na hindi nito alam ang tungkol sa bagay na iyon.

‘What’s with the look, Ethos? Stop pretending as if you don’t know it!’ She wanted to scream that to him. Pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Humugot siya ng malalim na hininga at naglalapat ang mga ngiping tiningnan ang kababata, “And that cellphone you’re holding is my assailant’s belonging.”

Bumalatay sa mukha ni Ethos ang labis na pagkagulat sa narinig nitong sinabi niya. Napailing siya. Gusto niyang palakpakan ito sa galing nito sa pag-arte. Kung naiba lang ang sitwasyon ay baka maniwala siya sa pinapakita nito. Pero alam niya ang totoo. Alam niyang nagpapanggap lang itong walang alam. Bumuka ang bibig nito upang magsalita ngunit inunahan niya na ito.

“That’s yours, right?” She smiled bitterly.

What she said wasn’t a question. For her, she just simply stated a fact.

May pagkalito sa mga matang nag-aalalangang tumango ito, “Y-yes. This…this is mine but—”

“Why do you have to lie to me, Ethos?” Napapasinghap na putol niya rito. She can’t control her anger anymore. Pinunasan niya ang kanyang mga luha na ‘di niya na napigilang tumulo sa kanyang pisngi. Punong-puno ng hinanakit na tiningnan niya ito, “Why do you have to tell me that you’re here to protect me? Why do you have to tell me that it was my father’s request why you are here with me? Why do you have to fucking lie to me if you are just here to kill me?! Why, Ethos? Why?!”

Pinagbabayo niya si Ethos ng malakas sa dibdib. Galit na galit siya. She wanted to get even with him. Masakit sa kanyang malaman na ito ang isa sa may kagagawan ng lahat ng nangyayaring kaguluhan sa buhay niya. He is her childhood friend. And she knows that her father treated him as his own son. Paano nito nagawa ang bagay na iyon sa kanya? Anong nagawa niyang kasalanan dito para naisin nitong mawala siya sa mundo?

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Where stories live. Discover now