H31

29K 1K 91
                                    

H31

HERE.”

Bahagyang napapitlag si Hera at napatigil sa pagmumuni-muni ng makita niyang may naglapag ng isang mug na may lamang umuusok pa na mainit na tsokolate sa kanyang harapan. Nag-angat siya ng tingin at ang nakangiting si Brylle ang kanyang nabungaran.

“Thank you,” Nakangiting wika niya rito.

Inabot niya ang mug at sumimsim doon. Nakaramdam agad siya ng ginhawa ng makainom. Nabawasan din ang panlalamig na nararamdaman niya kanina pa dahil sa malamig na simoy ng panggabing hangin.

“Can’t sleep?” Tanong nito at naupo rin sa bermuda grass. Inilapag nito sa tabi ang bitbit na dalawang beer in can.

Tumango siya kay Brylle bilang sagot at kapagkuwa’y tumingala sa kalangitan. Tinitigan niya ang bilog na bilog na buwan.

Tatlong araw na ang nakakalipas ng mabaril si Red. Hindi pa tuluyang magaling ang lalaki ngunit nagpumilit itong lumabas agad ng ospital. Kahit anong pigil nila rito at sabi na magpahinga muna at magpagaling ay naging matigas ang pagtanggi nito. Ang naging katwiran nito sa kanila ay hindi dapat sila mag-aksaya ng oras. Isa pa raw ay hindi nila alam kung kailan susugod muli ang kalaban kaya mas mabuting handa sila.

Alam na rin nito ang tungkol kay Ethos. Nang araw na magising ito ay masinsinan silang nag-usap kasama si Brylle. Sa dulo ng kanilang pag-uusap ay napagpasyahan nilang pagkatiwalaan ang kababata. Isa pa, napatunayan din kasi ni Red na isa talaga itong secret agent. May kinausap itong katrabaho sa FBI at humingi ng pabor upang i-verify kung isa ngang trainee si Ethos doon.

“Why are you helping me, Brylle?” Tanong niya sa katabi matapos basagin ang mahabang sandali ng katahimikan na pumalibot sa kanilang dalawa.

To be honest, she’s very grateful for having Brylle in her side. Hindi niya ito kaano-ano at mas lalong wala itong kinalaman sa problema niya ngunit walang alinlangan itong nag-alok ng tulong sa kanila ni Red. Hindi niya alam kung paano niya ito pasasalamatan at magagantihan sa lahat ng tulong na ibinigay at ibibigay pa lamang nito sa kanila.

Nagkibit balikat si Brylle, “Because I’m a type of person na hindi natatahimik hangga’t hindi nareresolba ang kasong pinahawakan sa akin,” Sagot nito at kinuha ang isang beer in can na inilapag sa tabi. Kapagkuwa’y binuksan nito iyon at matiim na tinitigan, “You know that Senator Rodriguez case was pulled out on me, right? I know that it’s not just a simple heart attack. It’s a murder. And because the senator’s case is connected with your father’s case, I’ll do whatever I can to know the truth and find the culprits.” Uminom ito ng beer at matapos ay pinunasan ang labi nito. Nilingon siya nito at tiningnan gamit ang sinserong mga mata, “But of course, aside from that, I really have a high respect to your father. Kahit na hindi ko siya naging superior, I have heard a lot of things about him. He’s an amazing man. A good and responsible leader. Gusto kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya. Gusto kong managot kung sino man ang pumatay sa kanya. I don’t’ want his death put into waste.”

Hindi napigilan ni Hera ang pangingilid ng kanyang luha sa narinig. Hearing Brylle’s reason brought warmth to her heart. She’s happy to know that there’s another person who wants nothing but justice for her father’s death. ‘You’re so lucky for having people like Brylle, Ethos and Red, Dad.’

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Where stories live. Discover now