H07

48.1K 1.5K 82
                                    

H07

“Where are you, Red?!” Napakunot ang noo ni Red ng marinig niya ang agitated na boses ni Director Enriquez sa kabilang linya ng sagutin niya ang tawag nito. Kanina pa pala ito tumatawag sa kanya ngunit hindi niya iyon napansin agad dahil naka-silent ang phone niya at abala siya sa kanyang misyon.

“I’m inside Hera’s school, sir. Bakit po? Is there a problem?” Nag-aalalang sagot niya sa tanong nito.

Katulad ng madalas niyang gawin araw-araw ay hinatid niya kanina si Hera sa pagpasok nito sa eskwelahan ng hindi nito napapansin. At kung dati ay sa labas lang siya naghihintay hanggang matapos ang klase nito, ngayon ay gumawa siya ng paraan para makapasok sa loob ng eskwelahan at doon makapagbantay. Ayaw na niyang maulit ang nangyari sa anak ng direktor kahapon. Mabuti na nga lang at palagi niyang hinahack ang surveillance camera ng school kaya nakikita niya pa rin ang galaw nito kahit nasa labas siya kasi dahil doon ay nakita niya na nasa panganib ito kahapon kaya nagawa niya itong mailigtas. Ayun nga lang ay hindi niya nagawang huliin ang nagtangkang lumunod dito. Medyo natagalan kasi siya na pasukin ang eskwelahan dahil mahigpit ang bantay. Ayaw niya rin na basta-basta na lang siya sumugod doon dahil ayaw niyang makita siya ni Hera at ng ibang tao kaya hinanap niya pa ang blind spots ng CCTV bago siya nakarating sa pool area.

Narinig ni Red ang malakas na pagbuntong hininga ng direktor sa kabilang linya na animo’y nabunutan ito ng tinik ng marinig nito ang sinagot niya.

“Good to hear that you’re there…” Paanas na sabi nito sa kanya ng hindi sinasagot ang tanong niya.

“May problema po ba?” Muli niyang tanong dito. Nag-aalala siya para sa direktor. Malakas ang pakiramdam niya na mayroong hindi magandang nangyari rito.

“Listen to me carefully, Red.” Narinig niyang muling bumuntong hininga ang direktor bago ipinagpatuloy ang sasabihin nito, “The organization wants my daughter. They want to get her kaya kung maaari ay huwag mong aalisin ang mga mata mo sa anak ko. Sundan mo siya kahit saan siya magpunta. Protect her, Red. Please…protect my daughter…” Parang desperadong sabi nito sa kanya.

Muling kumunot ang noo ni Red ng marinig niya ang tinuran na iyon ng direktor, “What do you mean, sir? What organization are you talking about? At bakit gusto nilang makuha ang anak niyo?” Nalilitong sunod-sunod niyang tanong dito.

Director Marco Enriquez is someone Red is so much indebted to. Kaya naman ng kontakin siya nito isang buwan na ang nakakalipas para humingi ng tulong sa kanya ay walang alinlangan na nag-file agad siya ng indefinite leave bilang isa sa mga pinakabata at pinakamahusay na pulis ng Cyber Division ng FBI sa America at umuwi ng Pilipinas para puntahan ito. The director asked him to look for her daughter. But he never told him why. Basta ang alam niya lang ay nasa panganib ang direktor at alam nito na maaaring targetin ng mga taong kalaban nito ang anak nitong si Hera kaya humingi ito ng tulong sa kanya na protektahan ito. Sinubukan niyang imbestigahan ang kinakaharap na problema ng direktor ngunit wala siyang makuhang impormasyon dahil nagagawa nitong malaman ang pag-iimbestiga niya at hinaharang nito ang lahat ng impormasyon na pwede niyang makuha. Katulad ng paulit-ulit nitong sinasabi sa kanya, ayaw ng direktor na masali siya sa kung ano mang problemang kinakaharap nito kaya naman hangga’t maaari ay gusto nitong wala siyang nalalaman sa kung ano mang problema iyon.

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Where stories live. Discover now