H26

30.8K 1.1K 139
                                    

H26     

“This…this…explains everything…” Nanghihinang usal ni Hera at nakapikit ng mariing hinawakan niya ang kanyang sentido at marahang hinilot iyon. Pakiramdam niya ay sasabog ang kanyang utak sa bagong natuklasan.

“What are you saying, Hera?” Naguguluhang tanong ni Red sa kanya. Naramdaman niyang hinawakan siya nito sa kaliwang balikat upang paharapin siya rito. Nang magtagpo ang kanilang tingin ay nakita niya sa mga mata nito ang labis na kuryosidad sa kanyang sinabi. “Is there something I need to know?” Anito at matiim siya nitong tinitigan.

Napalunok si Hera sa tanong na iyon ni Red at marahang nakagat ang kanyang pang-ibabang labi. Ang totoo niyan ay hindi niya pa nasasabi rito ang tungkol sa taong lumunod sa kanya. Hindi niya pa nasasabi na ang pinaghihinalaan niyang gumawa noon ay si Ethos. Hindi niya kasi maintindihan ang sarili pero sa loob-loob niya ay ayaw niyang maniwala na si Ethos nga ang kanyang killer kahit na nakakuha siya ng matibay na ebidensya na nagtuturong ito talaga ang salarin.

“The…truth is…” Muling napalunok si Hera at saglit na ipinikit ang mga mata. Nag-aalangan siyang sabihin kay Red ang totoo pero alam niya na dapat din nitong malaman kung ano ang nalalaman niya, “Weeks ago, someone tried to drown me in the pool…”

“What?!” Malakas na bulalas ni Brylle na nasa kanyang likuran. Naramdaman niyang humawak ito ng mahigpit sa sandalan ng kanyang inuupuan. “Did you see the culprit?”

Nilingon ni Hera si Brylle at marahang umiling, “No…”

“I know that incident, Hera. I was there.”

Nakakunot noong napatingin muli si Hera kay Red dahil sa narinig niyang sinabi nito, “What…? You’re there? How…?—” Natigilan siya sa pagtatanong at saglit na natulala. Bigla niyang naalala ang nangyari noong araw na iyon ng muntik na siyang malunod. Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya muli ang lalaki, “Ikaw ang sumagip sa akin!” Bulalas niya.

Hera is so sure that Red is her savior. After all, who else will it be? Ito lang naman ang nag-iisang taong lihim na nagbabantay sa kanya noon pa. Pero muli siyang natigilan ng may pumasok na tanong sa kanyang isipan. Kung ito nga ang nagligtas sa kanya ay malamang nakita nito kung sino ang tumulak sa kanya sa pool.

“Nakita mo ba kung sino ang tumulak sa akin sa pool, Red?” Seryosong tanong niya rito.

Kumuyom ang kamao ni Red at nagtagis ang bagang nito, “No. Matapos kitang maiahon sa pool, sinubukan kung habulin ang taong iyon pero mabilis siyang nawala.” Nagngangalit na turan nito. “Sinira niya rin ang CCTV ng pool area ng school niyo kaya kahit doon ay ‘di ko nakita ang pagmumukha niya. Sa tingin ko rin ay alam niya kung nasaan ang blind spots ng ibang CCTV sa buong school dahil n’ung chineck ko iyon isa-isa para hanapin siya ay wala akong nakita.”

Napasinghap si Hera sa narinig at maya-maya’y napabuntong hininga ng marahas. Naisip niyang kung ganoon ay ang hawak niya lang talaga na ebidensya ang makakapagturo sa salarin.

“I think…” Muli siyang napalunok at nagpalipat-lipat ng tingin kina Brylle at Red, “It’s Ethos.” Halos pabulong niyang sabi.

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ