H17

35.1K 1.3K 96
                                    

Thank you BubbleKkaeb sa paggawa ng Book Cover. Gawa niya yung bagong cover. ;)

---

H17

“Let’s go?” Masuyong wika ni Artemis sa kanya at hinawakan ang kanyang kanang kamay at marahang pinisil iyon. Naramdaman din niyang inakbayan siya ni Marianne kaya naman nilingon niya ang mga ito. Parehong mayroong matipid na ngiti sa mga labi nito habang matamang nakatingin sa kanya.

Kahit na nakangiti ang mga kaibigan ni Hera ay kita niya sa mga mata ng mga ito ang labis na kalungkutan. Ang awa na nararamdaman ng mga ito para sa kanya. Napalunok siya at kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi upang pigilan ang sarili na muling iyak. Blangkong ekspresyon na lang ang itinugon niya sa dalawa at ibinalik muli ang kanyang tingin kung saan magkasamang nakahimlay na ang kanyang ina’t ama. She doesn’t want to leave the place. Ang gusto niya lang ay manatili kung nasaan ang kanyang mga magulang.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ng utak niya ang nangyari. It’s been a week at parang ang mga nagdaang araw ay hindi niya naramdaman. It feels like everything seems so blur to her. Nang malaman niyang namatay ang kanyang ama, wala siyang ibang ginawa kundi umiyak ng umiyak. Walang makapag-alo sa kanya. Even Artemis and Marianne who were always been there for her from the start cannot stop her from crying. Dumating din si Tita Lorraine, Ethos’ mother. Ito ang nag-asikaso sa lahat ng kailangan para sa pagpapalibing ng kanyang ama. Ang ilan niyang mga kamag-anak ay umuwi din ng Pilipinas para makiramay. They told her na sumama na lang sa kanila pabalik ng ibang bansa ngunit mariin siyang tumanggi. She doesn’t want to leave the country. She doesn’t want to leave the place where her parents are resting.

Inakay na siya ng dalawa papunta sa naghihintay na van. Ayaw pa niyang umalis ngunit minabuti na lang niya na sumunod sa mga ito. Sumakay silang tatlo doon at pinaggitnaan siya ng dalawa. Sa tabi ng driver ay nakaupo si Ethos at nilingon siya. Tiningnan niya lang ito saglit at matapos noon ay ipinikit ang kanyang mga mata. Alam na nila Artemis at Marianne kung ano ang relasyon niya kay Ethos dahil naitanong na nila iyon kay Ethos mismo noong nagkita ang mga ito sa wake ng kanyang ama.

Mabilis lang ang kanilang biyahe at nakarating din sila sa bahay nila Hera. Lahat sila ay bumaba ng sasakyan. May hinandang meryenda si Nanay Rosa para sa lahat ng nakiramay at nagpunta ng libing kaya naman dumiretso ang mga ito sa komedor. Samantalang si Hera ay dumiretso naman sa kwarto ng kanyang ama. Pagkapasok na pagkapasok niya doon ay nakaramdam siya ng labis na kahungkagan. Simula ng namatay ang kanyang Daddy ay ngayon lang siya ulit pumasok sa kwarto nito. Umiiyak na nahiga siya sa kama nito at niyakap ang unan na naroon.

“Why do you have to leave me, Dad?” Umiiyak na usal niya. Ayaw niya ng umiyak. Pagod na siya. Ngunit sa tuwing naalala niya ang kanyang ama ay parang instant na nati-trigger ang kanyang mga luha. Nakatulog siya ng ganoon ang posisyon. Nagising na lang siya ng makaramdam siya ng matinding uhaw. Tumayo siya mula sa pagkakahiga at bumaba para kumuha ng maiinom. Habang pababa siya ng hagdan ay may naririnig siyang nag-uusap. Mahina ang boses pero alam niyang nasa komedor ang mga nag-uusap. Nang makababa siya ng hagdan at makalapit sa pintuan ng dining ay natigilan siya.

“There’s a high chance that Hera’s father has been killed,” Narinig niyang wika ng isang lalaki. Nanlaki ang mata niya at natutop ang kanyang bibig sa narinig. Dali-dali siyang pumasok sa loob ng komedor upang sumingit sa usapan.

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon