H02

96.8K 2.6K 289
                                    

H02

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kay Hera kung sino ang nag-hack ng wifi niya at naglakas ng loob na palitan ang pangalan niyon. Ang taong may kakayahan lang gawin ang bagay na iyon ay ang kanyang ama at siguradong-sigurado siyang hindi ito ang may kagagawan n'on.

Sinubukan niyang i-trace ang IP Address ng ginamit na computer para i-hack ang WLAN connection niya pero nagulat siya ng makitang nakapangalan ang computer sa isang computer shop na sobrang malayo sa kanilang tinitirahan. Ipinagtataka niya kung paano nagawang i-hack ang kanyang wifi sa ganoong kalayong distanya dahil isang typical na WLAN connection lamang ang meron siya na kayang umabot lang nang hanggang 92 meters outside ng bahay nila.

“H-huy, Hera…” Naramdaman ni Hera na kinalabit siya ni Artemis, ang kanyang best friend at kaklase, ngunit hindi niya ito pinansin dahil nakatutok ang kanyang isip sa taong nag-hack ng wifi niya. 

Paano niya kaya ginawa iyon? Imposible namang binitbit niya ang buong computer malapit sa amin at saka niya hinack. Ang effort naman niya. Hindi kaya gumamit siya ng—

“Hera…si ma’am—”

“MS. HERA ENRIQUEZ!”

Halos mapatalon si Hera sa gulat ng marinig niya ang malakas na sigaw ng kanyang guro sa harapan. Napaangat tuloy siya ng tingin at nakita niya ang galit na galit na mukha ng kanyang professor na si Mrs. Topacio. Mukhang nahuli siya nitong hindi nakikinig at lumilipad ang utak sa kung saan.

Nahihiyang tumayo siya at nag-aalangan na matipid na ngumiti rito. Naramdaman niyang kinalabit siyang muli ni Artemis kaya naman mabilis niyang sinulyapan ito. May pinabasa ito sa kanya sa isang kapirasong papel.

‘Kanina ka pa tinatawag ni Ma’am. She was asking you if you know the name of the developer of ALOHAnet, the world’s first wireless communication network.’

Matapos niyang basahin iyon ng mabilis ay marahan siyang tumango at mabilis na inilipat ang tingin sa kanilang professor.

“Ma’am,” sambit niya sa mababang boses.

“Obviously, you’re not listening to me, am I right?” Masungit na sabi nito. Halos lahat ng kaklase niya ay sa kanya na nakatutok ang tingin at nakakaramdam na siya ng pagkailang. Hindi pa naman siya sanay na nagiging center of attraction sa loob ng classroom.

Bwisit na hacker kasi 'yun, eh. Hindi ako pinatatahimik! Inis na sambit niya sa kanyang sarili.

“N-no, ma’am. I’m listening,” pagsisinungaling niya.

Tinaasan siya ng kilay ni Mrs. Topacio at inayos ang salamin nito sa mata. Matapos ay binigyan siya ng matatalim na tingin at humalukipkip.

“Really, huh? Okay then. If you were really listening, answer my question. If you fail to give me the correct answer, ibabagsak kita sa subject na ito ngayon pa lang,” confident at may pagka-mayabang na sabi nito.

Narinig niyang nagbulung-bulungan ang mga kaklase niya sa sinabing iyon ng kanilang guro.

“Hala ka! Lagot na talaga si Hera kapag nagkataon.”

“Alam niya kaya ang sagot? Mukhang hindi niya narinig iyong tanong, eh.”

“Oo nga eh. At ang nakakaloko pa, hindi pa naman itinuturo ni ma’am 'yun, eh. Kahit ako hindi ko alam.”

“Good luck talaga sa kanya. Ang malas niya at nahuli siyang hindi nakikinig.”

Palihim na napangisi si Hera nang marinig niya ang bulung-bulungan ng kanyang mga kaklase. Kung meron man siyang paborito subject ay ito na iyon. Kahit na sobrang sungit ng teacher niya rito na akala mo ay pinaglihi sa sama ng loob at kabisado na niya ang itinuturo nito ay pinapasukan pa rin niya. Si Hera ang tipo ng tao na hindi masyado aktibo sa klase kahit na gustong gusto niya ang subject. Tahimik lang siya at ang importante lang sa kanya ay maipasa ang mga subject niya.

Hera: The Hacking Goddess [Completed]On viuen les histories. Descobreix ara