H28

30.3K 993 135
                                    

H28

“Here it is,” Wika ng isang babae sa lalaking kaharap at inilapag sa mesa ang hawak nitong maliit na bagay.

Tumingin ang lalaki sa babae at matapos ay dinampot ang bagay na iyon. Nang mahawakan ay ngumisi ito ng malapad. Pinaglaruan nito iyon sa kamay at pinakatitigan. Itinaas pa nito ang mga paa sa mesa at nagpakuya-kuyakoy sa inuupuan nitong swivel chair.

“Do you still need her?” Maya-maya’y tanong ng babae.

“Hmmm…” Hindi napapalis sa labi ang ngisi na tiningnan muli ng lalaki ang babae. “Yes?” Anito at ibinaba ang mga paa at nangalumbaba, “I don’t want to get rid of her yet.”

Tumaas ng bahagya ang kilay ng babae sa sinagot na iyon ng kausap. Humalukipkip ito at naghintay sa sasabihin pa ng lalaki.

“Sayang ang talento ng batang iyon. We can still use her.”

Nakangising napailing ang babae sa narinig, “Alright.” Wika nito at tumayo na sa kinauupuan, “Just call me kung may kailangan ka pa.” At tumalikod ito. Hindi na nito hinintay kung may sasabihin pa ang kausap at tuluyan ng lumabas sa silid na iyon.

---

Hawak ng mariin ang mga baril ay tahimik at maingat na lumabas sina Red at Brylle sa silid-aklatan at naglakad sa pasilyo ng ikalawang palapag ng bahay ng mga Enriquez. Tahimik doon tanda na wala pang nakakaakyat na mga kalaban.  Malilikot ang mga mata at nakikiramdam na nagpatuloy sila sa paglalakad. Nang malapit na sila sa hagdan ay nakarinig sila ng mga yabag.

Seryosong nagkatinginan sina Red at Brylle. Nag-usap sila gamit ang mga mata at matapos noon ay nagkakaunawaang mabilis na kumilos. Pumunta si Brylle sa kabilang bahagi ng pasilyo at itinago ang sarili sa likod ng mahabang sofa na naroroon. Samantalang si Red naman ay mabilis na pumunta sa unang kwarto malapit sa hagdan. Nagpapasalamat siyang hindi naka-lock iyon. Pumasok siya sa loob at bahagyang iniawang ang pintuan upang masilip ang mga paakyat na kalaban.

Isa…dalawa…Dalawang tao ang papaakyat base sa narinig na mga yabag ni Red. Inihanda niya ang kanyang sarili at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa baril. Tahimik siyang naghintay sa pagdating ng mga ito. Ilang sandali pa ang lumipas ng maramdaman ni Red na malapit na ang mga ito sa kinapupwestuhan niya. Huminga siya ng malalim at seryoso ang mukhang inabangan ang pagtapat ng mga ito sa pinagtataguan niya.

“Ugh!” Malakas na pinukpok ni Red ng hawak niyang baril sa ulo ang lalaking una niyang nakita matapos lumabas sa pinagtataguan. Nawalan ito ng ulirat at mabilis na tumumba. Nakita niya sa kanyang peripherals na tinutukan siya ng baril ng kasama nito kaya naman mabilis na pumihit siya upang sipain ang hawak nitong baril. Ngunit bago pa niya iyon magawa ay nakarinig siya ang malakas na putok ng baril. Pagtingin niya sa lalaking babaril sana sa kanya ay wala na sa kamay nito ang hawak na baril at sapo na nito ang dumudugo nitong kamay. Mabilis na lumipad ang kanyang tingin kay Brylle at nakita niyang nakangising papalapit na ito sa kanya. Napailing siya ng mapagtanto ang nangyari.

Blag!

Isang round house kick ang pinakawalan ni Red ng makita niya muli sa sulok ng kanyang mga mata na susugurin siya ng lalaking duguan ang kamay. Tumalsik ito at bumagsak sa sahig. Lumapit siya rito at tinutukan ng baril.

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Where stories live. Discover now