H53

12.7K 446 30
                                    

H53


TELL me what really happened that time, Raul!” Hingal na sigaw ni Ethos kay Raul.

Finally, he cornered him. Matapos ang mahaba-habang habulan nila ay nagawa niya rin itong maabutan. They exchanged punches and kicks for a minute but he won. Raul is currently sitting under the shade of a tree while he is pointing his gun to him. Ayaw niya sanang gawin iyon ngunit alam niyang kung hindi niya iyon gagawin ay malamang tatakasan na naman siya nitong muli.

Nahihintatakutan na bahagyang napaatras si Raul. “'Wag mo 'kong patayin, sir! Parang awa mo na!”

“I will not kill you basta sabihin mo sa akin kung ano talaga ang nangyari,” aniya.

Lumunok si Raul. Bakas sa mukha ang takot. Kita rin tila nagtatalo ang isip nito kung sasabihin ba nito ang nalalaman nito o hindi.

“Kapag…kapag n-nagsalita ako…p-papatayin nila ako…”

Saglit na natigilan si Ethos sa narinig. Ibinaba niya ang hawak na baril at kapagkuwa’y bumuntong hininga. “I assure you. I’ll give you all the protection you need. Just tell me what exactly happened that time.”

“P-pero, sir…p-paano ang pamilya ko?”

“They will receive the same protection that you’ll get, Buencamino. Just tell me everything you know so we can immediately arrange things for your security.”

Muling napalunok muli si Raul sa sinabi ni Ethos. Kapagkuwa’y may takot ang mga matang tiningnan siya nito at nag-umpisa ng magkwento.

---

PUTING KISAME. Iyon ang bumungad sa nanlalabong paningin ni Artemis nang magmulat siya ng mata. Nakakaramdam siya ng pagkahilo. At hindi niya alam kung nasaan siya. The room isn’t familiar to her. At hindi niya matandaan kung paano siya napunta roon.

“Good thing you’re awake now.”

Mabilis lumipad ang tingin niya sa bumukas na pintuan. Nang mapagtanto niya kung sino ang pumasok sa silid na iyon ay tila isang palabas sa telebisyon na nag-flash sa utak niya ang mga nangyari.

Napalunok siya at napailing. Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang sarili na maiyak.
Ikinuyom niya rin ng mariin ang kanyang mga kamao upang pigilan ang galit na unti-unting lumulukob sa kanya.

“Why…why do you have to do this, kuya?” Puno ng pait na tanong niya sa kapatid.

She should have confronted him the moment she learned the truth. Pero hindi. Natakot siya. Naduwag siya. At noong una’y gusto niya pang itanggi sa sarili na hindi magagawa ng kapatid niya ang mga bagay na iyon. But unfortunately, everything she wanted to believe in were lies. That the truth behind his innocent façade is stinging.

“W-wag kang lumapit sa akin!” Sigaw niya rito nang makita niya itong humakbang papalapit sa kanya.
Tuluyan nang tumulo ang kanyang luha. Hindi na niya kaya. She’s hurting. She’s regretting. And she’s very sorry to everyone who suffered because of her brother.

Ares stood still. Namulsa ito at matamang tinitigan siya nito. His face is expressionless. “You should have kept your silence, sister. I know you’re keeping tabs on me but you should have let me do my thing at hindi ka na sana nakialam pa.”

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Where stories live. Discover now