H10

42.8K 1.8K 259
                                    

H10

“Don’t just stare at me, Ms. Enriquez! Hop in!” Naiinis at nagmamadaling sabi ni Red kay Hera ng mapansin niyang hindi pa rin ito gumagalaw mula sa kinatatayuan nito at nananatiling nakatingin pa rin sa kanya.

‘They’re here,’ Nakatiim bagang usal ni Red sa kanyang sarili at malilikot ang mga matang mabilis siyang tumingin sa kanyang side mirror. Simula pa sa paglabas ng gate ni Hera kanina ay napansin na niyang mayroong kulay itim na van na palihim na sumusunod dito. Dumistansya siya rito ng kaunti kanina upang hindi mapansin ng mga ito ang kanyang presensya para lihim na makapagmasid at malaman kung ano ang pinaplano ng mga ito. Malakas kasi ang kutob niya na ito ang sinasabi sa kanya ng direktor kanina sa telepono. Na may gustong kumuha sa anak nito kaya nais nitong bantayan niyang maigi ang dalaga. Nang makita niyang biglang huminto sa di kalayuan ang van na iyon ng makarating si Hera sa di mataong lugar ay doon niya napagtanto na tama nga ang kanyang hinala. Kumukuha lang ng tiyempo ang mga tao sa loob ng sasakyan na iyon upang makuha ang anak ng direktor. Nang maisip niya iyon ay mabilis niyang pinasibad ang kanyang sasakyan palapit sa dalaga ng hindi na iniisip kung ano man ang maaaring isipin nito.

“S-sir, a-ano…w-wag na po. Malapit lang naman po ang baha—” Hindi na pinatapos ni Red ang sinasabi ni Hera at mabilis niyang binuksan ang pintuan ng sasakyan at lumapit rito. Hinawakan niya ang nanginginig nitong kamay at mabilis na iginiya ito sa kabilang bahagi ng sasakyan. Nang makita niyang nakaupo na ito ng maayos sa loob ay mabilis niyang isinara ang pinto at pumakabila.

“Sir Red, mababasa po ang upuan niyo. Basang-basa po ako. N-nakakahiya naman po sa inyo,” Narinig ni Red na sabi sa kanya ni Hera sa nanginginig na boses. Mabilis niya itong tinapunan ng tingin at bigla siyang nakaramdam ng awa rito ng makita niya itong nanginginig ng husto dahil sa lamig. Mabilis niyang pinatay ang aircon ng sasakyan at inabot ang kanyang bag sa likod.

“Use this para hindi ka lamigin,” Sabi niya rito at inabot ang isang maliit na towel at itim na sweatshirt.

“N-naku, huwag na sir. Nakakahiya na po masyado sa inyo,” Mariing tanggi nito sa kanya at tumangging kunin ang inaabot niyang towel at damit.

“It is okay, Ms. Enriquez. You can use that. Huwag ka ng mahiya,” Sabi ni Red sa dalaga at matipid na ngumiti rito at inilagay sa mga kamay nito ang towel at damit. Nakita niya pang parang nag-alinlangan si Hera na kunin iyon ngunit mabuti na lang at hindi na ito umimik pa at tahimik na kinuha na lang iyon sa kanya.

Nang makitang naisuot na ni Hera ang inabot niyang damit rito ay mabilis na pinaandar ni Red ang kanyang sasakyan. Panaka-naka siyang tumitingin sa front at side mirror ng kanyang kotse upang makatiyak kung sinusundan ba ang sasakyan niya ng itim na van na iyon o hindi. Nang masigurado niyang sinusundan nga sila ng mga ito ay napatiim bagang siya at mariing hinawakan ang steering wheel. Inapakan niya ng madiin ang accelerator ng sasakyan at mas mabilis pang pinaandar iyon.

---

S-SIR! B-biyaheng langit ba tayo?! Please lang po, ayoko pang mamatay!” Nahihintatakutang sigaw ni Hera kay Red at napahawak ng mahigpit bigla sa handle ng sasakyan dahil sa takot at nerbiyos. Naisip niyang mabuti na lang pala at nagawa niyang ikabit ang seatbelt niya kanina kung hindi ay paniguradong mamamatay siya ng wala sa oras sa klase ng pagpapatakbo na ginagawa ng bago niyang propesor. Hindi niya alam kung anong problema nito at napakabilis ng pagpapatakbo nito ng sasakyan. Pakiramdam niya ay hinahabol nila si kamatayan sa klase ng pagmamaneho nito. Mabuti na nga lang at walang masyadong sasakyan sa kalsada kaya hindi siya masyado nag-aalala na maaaring makabunggo sila.

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Where stories live. Discover now