H36

22.3K 920 175
                                    

H36

Naramdaman ni Red na may malamig na metal ang lumapat sa likod ng kanyang ulo. Narinig niya ring umingit ang pinto na pinasukan niya at malakas na sumara iyon. Saglit siyang natigilan ngunit mabilis din siyang nakabawi at naibalik ang kalmado niyang aura. Nakangising napailing siya.


"I am very pleased to meet you, Mr. Mendel."


Hindi man niya makita ang nagsalita, alam niyang nakangisi rin ito habang aliw na aliw itong itutok sa kanya ang hawak nitong baril.


"Same here, Ms. Agoncillo." Patuyang wika niya rito habang dahan-dahang iniikot ang tingin sa malaki ngunit abondanong warehouse kung nasaan sila ngayon.


Madilim sa loob ng warehouse na iyon. Halos wala siyang maaninag bukod sa malalaking kahon na magkakapatong na nasa kaliwang bahagi niya. Tanging ang liwanag lang ng buwan na nagmumula sa bintana ang tanging ilaw niya para makakita ng maayos.


'Nice choice of place. Very cliché,' aniya sa sarili at muling napailing.


Pinakiramdaman niya kung silang dalawa nga lang ba ang naroon sa lugar na iyon. Wala naman siyang ibang marinig na ibang tunog kaya nakampante siyang silang dalawa nga lang ang nasa loob ng warehouse.


Sa pagsunod niya kay Tessa ay dito sila napadpad. Hindi siya tanga para isipin na aksidente lang ang pagkakapunta nila roon. Alam niyang naramdaman na nito kanina na sinusundan niya ito dahil nakita niya na bahagyang bumilis ang pagpapatakbo nito ng sasakyan noong nasa kalsada pa sila.


Nang bumaba ito sa kotse nito at pumasok sa warehouse kung nasaan sila ngayon, alam niyang may plano itong i-trap siya. Kaya naman hinayaan niya muna itong mauna bago niya ito sinundan sa loob. Malakas ang kutob niyang plano nitong gulatin na lamang siya at hindi nga siya nagkamali. Pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng warehouse ay naramdaman niya agad ang pagtutok ng baril nito sa kanya.


Naramdaman niyang lumapit pa ng kaunti sa kanya si Tessa. Inilapit nito ang labi sa kanyang kanang tenga, "No matter how much I want to have a little chitchat with you Mr. Mendel, we can't do that," pabulong na wika nito at marahan pang hinaplos ang kanyang kanang balikat, "you know, SOP."


Naramdaman niya ang pagdiin ng nguso ng baril sa kanyang ulo. Kaya naman hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Mabilis ang mga kamay na hinawakan niya ang baril na hawak nito at itinutok sa itaas. Ipinaikot niya rin ang kaliwang paa sa binti ng babae at buong lakas na itinumba ito.


Pareho silang bumagsak ni Tessa sa sahig. Nanlaban ito at mahigpit pa rin ang hawak sa baril kaya naman pilit niya iyong inaagaw sa kamay nito.

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon