H42

18.1K 668 95
                                    

H42


"LANGUAGE, Hera." Naiiling na wika nito at nangalumbaba sa kanyang harapan. Nagpapaawa ang mga matang tinitigan siya nito. "Can you just simply greet me instead of calling me names? I really missed you."


"Fuck the pleasantries, Marianne!" Puno nang hinanakit na sigaw niya.


Nananakit ang lalamunan niya. Nagtutubig na rin ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay anumang oras ay sasabog ang kaloob-looban niya sa tindi ng emosyon na nararamdaman niya. "Why...why are you doing this to me? Anong...anong nagawa ko sa'yo para...para gawin mo sa'kin 'to?"


Of all people, hinding-hindi niya naisip na si Marianne ang nasa likod ng lahat.


Ang mabait na si Marianne. Ang matalinong si Marianne. Ang matulunging si Marianne.


She was fooled by her façade. And she's in deep pain right now knowing that she betrayed her.


Gaano na ba niya katagal na kilala si Marianne? Ah. They've been friends for more than a year now. Naging magkaklase sila sa ilang subject noong unang taon niya sa unibersidad at doon nagsimula ang lahat. Nag-click ang mga ugali nila at nabuo ang isang magandang pagkakaibigan... Pagkakaibigan na ngayon ay nalaman niya ay isang malaking kasinungalingan lang pala.


"I trusted you..." Lumunok siya. At kasabay niyon ay ang pagpatak ng kanyang mga luha. "I treated you as one of my best friends. But why...but why did you betray me?"


Memories flashed through her mind. Naalala niya ang mga magagandang pinagsamahan nila. Ang mga kalokohan nila. Ang pagtutulungan at pagdadamayan nila sa tuwing may problema ang isa. Ang pagkakaibigan nilang kahit na hindi pa ganoon katagal ay masasabi niyang tumitibay sa pagdaan ng mga araw.


Masakit isipin na lahat iyon ay tila isang panaginip lang. Na tila isang fiction lang sa isang libro. Dahil ngayon ay sinasampal siya ng reyalidad. Ginigising siya nang napakasakit na katotohanan.


Ngayon, bukod sa matinding sama ng loob ay nakakaramdam din siya ng pagkakonsensya. Naalala niya kasi bigla si Artemis. Nagawa niya itong pagdudahan pero iyon pala'y hindi naman ito ang puno't dulo ng lahat ng kaguluhan na nangyayari sa buhay niya. Napakasama niya dahil ang taong mas matagal na niyang naging kaibigan at nakasama ay ang taong nagawa niya pang pag-isipan ng masama.


"That's a lesson for you, Hera." Ani Marianne at ngumisi. Tumayo ito at naupo sa upuan. Sinenyasan nito ang lalaking hapon na lumabas muna. Tumalima naman ito at yumukod bago tuluyang lumabas ng kwarto. "Huwag kang basta-basta magtitiwala kahit kanino kahit pa kaibigan mo ang taong iyon."


Ikinuyom niya nang mariin ang mga kamao. "Yeah. I should have known better." Puno nang pait na sagot niya.


Gone was her friend that she used to know. The person she's looking right now is so unfamiliar to her. Hindi niya ito kilala. At hindi niya gugustuhin pa na kilalanin ito.

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon