Chapter 25 (02/07/15)

473K 15.1K 2.2K
                                    

Chapter 25

 

[Jillian’s POV]

 

“Tell me what happened,” walang paligoy-ligoy ko na sabi ko kay West matapos naming maubos ang isang mud pie na in-order namin dito sa restaurant kung saan ko siya dinala.

            Napa-buntong hininga si West at tinignan niya ang kanyang kamay na ngayon ay may bandage na.

            “He wants me to resign.”

            “W-what? Why?”

            “Sabi niya it’s about time na panindigan ko na ang pagiging isang Martinez. Gusto niyang doon na ako mag trabaho sa kumpanya namin.”

            Napa-buntong hininga rin ako dahil sa sinabi ni West. Sa totoo lang, ayokong umalis siya sa kumpanya namin. Effective siyang boss at masipag sa trabaho. Alam kong maraming times na ang strict niya at may pagka-masungit siya, pero iba pa rin pag siya ang kasama namin.

            Yun nga lang, may point ang father niya.

            “Ayaw mo ba talagang mag trabaho sa inyo? Gusto mo ba talaga ang pagiging editor in chief?” malumanay kong tanong sa kanya.

            Napa-baba ang tingin niya sa kinakain niya at napapikit siya.

            “Yes and no,” sagot niya.

            “What do you mean?”

            “Yes, I love this job. I always love literature kaya masaya rin ako sa trabaho ko. Pero hindi rin ibig sabihin nun eh ayokong magtrabaho sa amin. It’s just that….”

            “Just what?”

            He look hesitant na sagutin ako at napa-buntong hininga ulit siya.

            “It’s just that I hate it when they give me a lot of responsibilities. Kaya ako umalis doon kasi ayokong magtrabaho at gawin ang mga bagay na yun just to please my father. Gusto kong kumayod at magtrabaho para sa future ko. Isa pa, wala naman silang nakikitang maganda sa akin eh. Lagi akong palpak. Ang perfect sa paningin nila ay si Kuya Zyron.”

            Napa-ngiti ako ng onti, “so na-i-insecure ka sa kapatid mo.”

            “I’m not!” mabilis niyang sabi. “I mean, close naman kami ni kuya. Ayoko lang na ikinukumpara niya ako sa kanya. Feeling ko wala akong kwenta.”

            “That’s not true! Hindi ka man nila mabigyan ng tamang appreciation, but I---we appreciates you…a lot. Yung mga efforts mo, yung kasipagan mo, yung dedication mo…yung---“ yung haba ng pasensya mo sa akin, yung hindi mo pagsuko kapag tinutulak kita palayo, yung grabeng pag c-care na pinapakita mo.

            Napayuko ako at iniwas ang tingin sa kanya.

            “H-hindi talaga ako magaling mag advice,” mahinang bulong ko.

            “Jillian…”

            Inangat ko ng onti ang tingin ko sa kanya and I was shocked to see that he is giving me a genuine smile.

            “Thank you. Bakit simpleng salita mo lang nagagawa mo na ‘kong pasayahin?”

            Feeling ko nasira ang aircon sa restaurant na ‘to. Bigla na lang nag init ang kapaligiran eh.

She Who Stole Cupid's ArrowWhere stories live. Discover now