Chapter 34 (6/9/15)

399K 13.7K 7K
                                    

Chapter 34

[Jillian's POV]

"Ang panget mo."

Sabi ni Cupid sa akin pagka-pasok na pagkapasok ko sa loob ng apartment ko.

Nasa sofa siya ngayon at nakahilata habang nanunuod ng TV at pumapapak ng isang jar ng Nutella.

Nakakainis!

"Bad day?" tanong niya sa akin habang hindi inaalis ang tingin doon sa pinapanuod niya.

Naupo ako sa tabi niya at nakita kong Power Puff Girls ang pinapanuod ni Cupid. Inagaw ko yung jar ng Nutella sa kanya. Hindi naman siya umangal.

"Panget ka rin," sabi ko sa kanya.

"Never naging panget ang God of love," seryosong sagot niya.

"Ngayon. Panget ka ngayon. Mukha ka ring wasted."

"Nagsalita ang hindi mukhang wasted."

Sabay kami napa-buntong hininga.

"Kamusta ang trabaho mo? Hindi ka naman ba pinatalsik ni West?"

Umiling ako, "hindi naman. He's just giving me a cold shoulder the whole day. Madalas din siyang nagpapanggap na hindi ako nag e-exist. I can't blame him though."

Tumango si Cupid.

"Sorry."

"Okay lang. Ganun talaga. Hindi siya ang para sa akin eh."

Napa-buntong hininga ulit si Cupid, "kung may kapangyarihan lang ako para pagalingin ang puso mo ngayon."

"Ayos lang. Alam kong magiging okay rin ito. Someday... Someday..."

"Kaso kailangan na niyang maging okay ngayon kasi patay tayo kung hindi."

Nilingon ko siya, "hmm? Bakit?"

Takang-taka naman na tumingin sa akin si Cupid, "err-hindi mo alam?"

"Ang alin?"

"Pumasok ka kanina sa opisina pero hindi mo alam?"

"Ang alin nga?!"

"Si Luke at Elise na."

"W-what?! What? Silang dalawa na? Wait! Hindi ako ininform ni Luke! Paanong? Anong-? Paano nangyari yun?!"

Cupid chuckled, "you're my living arrow pero hindi mo na-sense na nagkatuluyan na ang mina-matchmake mo? Hindi ka nga talaga pang goddess."

Umiling ako, "paanong nangyari 'yun?"

"Call them."

Dali-dali kong tinawagan si Luke at pagka-sagot na pagkasagot niya, diniretsa ko agad siya ng tanong.

Tama nga si Cupid. Sila na nga ni Elise.

Nung nasa Baguio kami ni West, sinabi ni Luke kay Elise na hindi talaga ako ang gusto niya kundi si Elise. Na hindi si Luke ang nagbigay ng stuff toy at chocolate sa akin nung araw na nahuli ni Elise si Luke.

Umiyak daw si Elise. Akala ni Luke nagalit ito sa kanya. Yun pala, may gusto rin si Elise sa kanya.

At ayun na nga. Doon na nagsimula na maging sila.

She Who Stole Cupid's ArrowWhere stories live. Discover now