Chapter 3

717K 20.9K 6K
                                    

Chapter 3

 

Babaeng naka-itim, nasaan ka na ba?

            Umaga. Kasalukuyan akong nandito ngayon sa tapat ng mga narra tree at umaasang makikita ko ang babaeng naka-itim. Syempre wala akong balak umatras sa usapan namin. Ngayon pa ba na nasa akin na ang susi para wakasan ang limang taong unrequited love ko?

            Gusto ko lang siyang hingan nang advice kung paano ko gagamitin ang pana na ito. Una sa lahat, hindi ako marunong pumana. Pangalawa, hindi ko alam ang sasabihin ko sa mga ka-trabaho ko kung bakit ako may dala-dalang pana. Baka may magical kagamitan siya o device na pwede kong gamitin para itago ang pana ko.

            Kaso halos fifteen minutes na akong naka-tambay sa tapat ng mga narra tree, hindi pa rin nagpapakita sa’kin yung babaeng naka-itim.

            Hay bahala na nga. Ma-l-late na ako sa trabaho. Mamaya mabulyawan pa ako ni Sir West.

            Nag-lakad na ako palabas ng baranggay namin at sumakay ng jeep patungong office. Buti na lang at nakarating ako on time.

            “Uy Jillian! Buti naka-pasok ka na. Okay na ba ang pakiramdam mo?” salubong sa’kin ni Elise.

            “Oo okay na. Lagnat lang naman!”

            “Buti naman kung ganoon. Bilin kasi ni Sir West na pagkarating na pagkarating mo ipaalala namin sa’yo na tambak ka na ng deadlines.”

            Napabuntong hininga ako. Ang ganda-ganda talagang mag welcome ni Sir West ng kababalik pa lang na employee mula sa pagkakasakit ‘no?

            “Sige uumpisahan ko na nang wala na siyang masabi.”

            “Oo nga. Wag kang mag-alala. Matatapos mo ‘yan,” pang e-encourage naman sa’kin ni Elise.

            “Thanks!”

            Nag tungo na ako sa pwesto ko. Isinandal ko naman ‘yung pana doon desk ko. Buti na lang at hindi ma-intriga itong si Elise. Hindi niya ako tinanong kung bakit may dala-dala akong pana sa likuran ko.

            “Good morning Jill! Glad you’re back!”

            Napalingon ako bigla sa tumawag sa’kin at napangiti ng malawak nang makita ko ang gwapong pag mumukha ni Luke. Andoon lang siya sa kabilang desk, masayang naka-dungaw sa akin. Naka suot siya ng eyeglass ngayon. Medyo messy ang hair at ang boyish ng ngiti niya.

            My god!

            “L-Luke!”

            Pinaandar ni Luke ang gulong ng swivel chair niya papalapit sa akin. Bigla naman niyang tinamaan ang pana kaya natumba ito sa sahig.

            “Hala!” dali-dali akong yumuko para pulutin ito.

            “Oh ba’t ka nakayuko Jillian? May hinahanap ka ba? Teka, nahulog ba yung contact lense mo?”

            Napa-angat bigla ang tingin ko sa kanya at hindi ko maitago ang pagkagulat sa mukha ko.

            “Why are you looking at me like that? Did I say something wrong?”

            “H-ha? Ah, w-wala naman!” ngitian ko siya at inangat ko ang ballpen na hawak ko. “Nahulog ‘yung ballpen ko. Pinulot ko lang.”

She Who Stole Cupid's ArrowWhere stories live. Discover now