Chapter 4

662K 20.6K 6.7K
                                    

Chapter 4

 

“Lady in black! Babaeng naka-itim! Babaeng manghuhula! Lumabas ka na please. Kailangang-kailangan kita. Hindi ako matatahimik dito eh. Please lumabas ka na!”

            Kanina pa ako palakad-lakad sa may tapat ng mga narra tree. Naiiyak-iyak na rin ako sa kaba at inis. Ba’t hindi pa siya nagpapakita sa akin? Palubog na ang araw pero wala pa rin siya. Ni hindi man lang niya sinabi kung saan ko siya pwedeng hanapin. Wala akong pwedeng mahingan ng tulong kundi siya lang.

            Napaupo ako sa sidewalk at ipinatong ko ang ulo ko sa mga braso ko. Nanginginig pa rin ako at nanlalambot ang mga tuhod ko.

            Ano ba naman kasing kapalpakan ang nangyari sa akin? Akala ko pa naman uuwi ako ngayong masaya. Pero heto ako ngayon, nasa sidewalk, nag e-emo at problemado.

            Nasaan na ba kasi ang babaeng naka-itim?!

            “Hinahanap mo ‘ko?”

            Napa-angat bigla ang ulo ko at ayun, nakita ko siya sa harapan ko. Nakatingin sa akin at naka-ngiti.

            Dali-dali akong tumayo at nilapitan siya, “kanina pa kita hinahanap!”

            “Hmm, mukhang nagtagumpay ka sa pagkuha ng pana ni Cupid. Nakita ko rin na nagamit mo na ito.”

            “Ayun nga! Tulungan mo ako. I-ibang tao ang tinamaan ng pana. May pangontra k aba diyan or something? Doon sa potion na binigay mo sa’kin, may antidote ba ‘yun para mawalan ng bisa?!”

            “Jillian, bawat pana ni Cupid ay may naka-ukit na pangalan. Kung kaninong pangalan ang nakalagay sa bala ng pana ni Cupid ay siyang taong nakatadhanang papanain gamit ang panang ‘yun. Kaya ko sinabing ibuhos moa ng potion na ‘yun sa pana ay para mabura ang pangalan at gumana ito sa taong papanain mo.”

            “Teka, i-ibig sabihin hindi gumana ‘yung potion?”

            “Mali. Gumana ito Jillian. Sadyang nagkamali ka lang ng tinamaan at iyon ay kasalanan mo.”

            “Pero may paraan pa ‘di ba? I know there’s still a way para maayos ‘to! Hindi pwedeng ma-inlove sa akin si Sir West! At paano na si Luke? Please I’ll do anything! Tulungan mo lang ako!”

            “Pero Jillian, pag tinamaan ka na ng pana ni Cupid, na sealed na ang kapalaran mo sa isang tao. Ipagpatawad mo pero ang tanging may kakayahan lang na baguhin ‘yun ay si Cupid mismo.”

            Napa-iling ako bigla, “hindi pwede! Hindi ko siya pwedeng hingan ng tulong kasi nakagawa ako ng kasalanan sa kanya! Ikaw lang ang makakatulong sa akin. Please, help me!” maluha-luha kong sabi sa kanya.

            Hindi pwedeng hindi maayos ang gulong ‘to. Sir West’s fate is already sealed with mine? Hindi ako makakapayag! Pag siya ang makakasama ko habang buhay, walang pinagkaiba ‘yun sa pag tira ko sa impyerno!  

            “Patawarin mo ako Jillian pero wala akong magagawa.”

            Hinawakan ko ng mahigpit ang pana ni Cupid, “then hindi mo makukuha ang pana na ‘to hangga’t hindi mo ako tinutulungan!”

            “Ganoon ba?”

            Bigla siyang ngumiti. Yung nakakakilabot na ngiti. Ikinumpas niya ang kamay niya at sa isang iglap lang, nakita kong hawak-hawak na niya ang bow at quiver na ngayon ay wala nang arrow na laman. Maging ang compass ay nasa kanya na rin.

She Who Stole Cupid's ArrowWhere stories live. Discover now