Chapter 35 (6/14/15)

424K 13.8K 5.6K
                                    

IMPORTANT NOTE. PLEASE READ:


Hi dears! Nag update po ako last June 9! Baka po kasi hindi niyo nakita ang update since maraming nag m-message sa akin na hindi nila mabasa ang update. If ever, check that first before reading this. Baka malaktawan niyo ang chapter 34 :)



***




Chapter 35

 

 

[Jillian's POV]

 

 

 

Ang sakit ng ulo ko!!

            Napahawak ako sa noo ko at hinimas-himas ko 'to. Hindi ako masyadong maka-dilat ng maayos dahil sa sobrang liwanag na nagmumula sa bintana ng kwarto ko.

            Kelan ba naging ganitong ka-liwanag ang kwarto ko?!

            Nagtalukbong ako ng kumot.

            Ano ba ang nangyari? Nalasing ba ako kagabi? Gaano karami ang nainom ko?

            Feeling ko lasing na lasing ako.Paano ang weird ng panaginip ko. Nagawa ko raw makapag teleport katulad nung power ni Cupid. Tapos pumunta ako sa condo ni West. Tapos...naghubad ako sa harap niya?

            What the hell 'di ba?

            Ang weird ng panaginip na 'yun!

            Pero buti panaginip lang talaga.

            Gusto ko pang matulog. Ayoko nang pumasok.

            Ang lambot sa pakiramdam ng kama ko. Parang never naging ganitong ka-lambot ang higaan ko pero ngayon ang lambot talaga. Para akong nakahiga sa ulap.

            Tapos ang bango pa ng bedsheet ko. Samantalang tatlong buwan ko nang 'di pinapalitan 'to. May natapon bang pabango dito ngayon?

            "Tulog ka pa rin?"

            Napa-mulat bigla ang mata ko.

            Shit.

            Naririnig ko ang boses ni West!

            Lasing pa ba ako?!

            Naramdaman kong may tumapik sa braso ko.

            "Jillian, wake up. Male-late na tayo kung 'di ka pa babangon diyan."

            Holy crap! What the hell?!

            "Jillian!"

            Inalis niya ang pagkakatalukbong sa ulo ko at nagtama ang mga mata naming dalawa.

            Napa-baba bigla ang mata ko sa katawan niya.

            AY ANAK NG—!

            Ba't siya naka-topless?! Ba't siya nandito sa kwarto ko at naka-topless?!

            He's already wearing his pants pero wala siyang suot na shirt.

She Who Stole Cupid's ArrowWhere stories live. Discover now