Chapter 11 (11/25/14)

532K 17.1K 2.9K
                                    

Chapter 11

 

 

[Jillian’s POV]

 

What the eff?! Bakit magkasama si Enid at si lady in black? Bakit sila magkakilala?

            Pinagmasdan ko sila habang naglalakad palayo. Kung titignan, para lang silang magkaibigan na sabay uuwi. Ang inosente ng mga mukha nila lalo na ni Enid! Pero baka may pinaplano sila?!

            O baka naman ginagamit nung lady in black si Enid? Dahil nasa proteksyon na ako ni Cupid, ibang babae naman ang gagamitin niya! Pero ano? Ano na naman ang ipapagawa niya?

            Nang makaalis na sila, dali-dali akong naglakad papunta sa taxi bay. Kaso nakakainis naman, ang haba ng pila ng tao sa taxi bay pero wala namang nakapila na taxi.

            Ay naku naman! Kung kelan namang kailangan kong umuwi agad!          

            Umalis ako sa pila ng taxi at pumunta sa may sakayan ng jeep. At dahil rush hour na, karamihan ng dumadaang jeep ay puno na ng pasahero. Yung iba nga eh sumasabit na sa jeep.

            Siguro kailangan ko na talagang magpaturo kay Cupid kung paano mag appear at disappear sa mga lugar katulad nang ginagawa niya. Seriously, ang laking bagay nun. Tipid na sa pamasahe, hindi ko pa kailangang gumising ng maaga para hindi ma-late!

            May tatlong jeep na padaan at nabuhayan ako ng pag-asa. Yung dalawa, puno. Yung isa hindi. At talagang nakipag-gyera ako pasakay. Yun lang, sadyang mas matatangkad at matataba yung ibang nakipag-unahan kaya hindi rin ako nakasakay.

            Nakakainis naaaaa!!

            “Uy.”

            Biglang may humatak sa braso ko palayo sa kalsada.

            “Jillian.”

            Nakita ko si Sir West na nakatingin sa akin na para bang nag mamakaawa siya.

            “Sir!”

            Napabuntong-hininga siya.

            “Wala na tayo sa loob ng opisina kaya hindi mo ako dapat tawaging sir.”

            “Pero boss pa rin kita.”

            “Hindi ba kita pwedeng maging kaibigan man lang?” tanong niya sa akin at ang lungkot-lungkot ng boses niya. Yung mga mata niya parang nangungusap, nag mamakaawa. Yung itsura niya—well gwapo—pero para siyang gwapong pinag sakluban ng langit at lupa.

            Ano baaaaaaa. Bakit niya ba ginagawa ito? Madali akong mahabag! Madali akong bumigay! At pag ako bumigay sa taong ‘to, mas lalong magiging mali ang bagay na itinatama ko.

            Pwedeng bang umiyak sa harapan niya ngayon?

            “Sir kasi eh…”

            “Masama ba talaga akong tao?” tanong niya ulit na parang guilty na guilty siya. “Alam ko naman na hindi ako nagging mabuting boss sa’yo, but I’m changing. Tsaka alam ko naman na ang stiff kong tao, mahirap pakisamahan, masyado akong awkward sa lahat ng bagay.”

            Oh no. Ito na ba ‘yung sinasabi ni Cupid na ang hilig mag self-pity ng mga tao?

            “At alam ko naman na hindi ako masyang kasama kaya siguro ayaw mo akong maging kaibigan,” pagpapatuloy niya. At bumuntong hininga pa ulit siya. “Siguro nga, dahil doon. Naiintindihan ko naman, Jillian. S-sorry. S-sige una na ako.”

She Who Stole Cupid's ArrowWhere stories live. Discover now