Chapter 13 (11/28/14)

547K 18.3K 2.8K
                                    

Chapter 13

 

[Jillian’s POV]

 

Hingal na hingal akong sumalampak sa sofa ko. Nanlalambot ang tuhod ko at nanginginig pa rin ako. Hindi ko na napansin kung saan nag tungo si Cupid. I didn’t even notice that my clothes are soaking wet. Basta para lang akong naka-hinga ng maluwag nang makaalis kami sa lugar na yun.

            Nang medyo nahimasmasan na ako, doon ko lang naisipang i-check si Cupid. Nakita ko siyang nakaupo doon sa silya ng dining table ko. Nakapatong ang mukha niya sa kayang dalawang kamay. His clothes are also soaking wet.

            Kanina, hindi ko na naramdaman na tinamaan pala kami ng malaking alon na iyon. Pero siguro kung nahuli ng onti si Cupid sa pag-alis, baka may iba pang masamang nangyari sa aming dalawa.

            Nilapitan ko si Cupid at naupo sa tabi niya.

            “Natatakot ako,” sabi niya sa akin. “Natatakot ako na baka tuluyan nang mawala sa akin si Psyche. Hindi ko kakayanin. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.”

            Tinignan ko si Cupid. Kabadong-kabado at ang miserable ng itsura niya. Malayong-malayo sa Cupid na una kong nakilala. And for a moment, I felt my heart sink.

            “Cupid, gusto kitang tulungan. Pero hindi ko magagawa ito kung hindi mo ipapaliwanag sa akin ang lahat. Naguguluhan talaga ako. Sino si Ayesha at bakit niya ginagawa ang mga bagay na ‘to? Bakit parang ang laki ng galit niya? At, ano ang ibig niyang sabihin na babawiin niya ako?”

            Napa-buntong hininga si Cupid at inangat niya ang tingin sa akin.

            “I’ve been a fool. Dapat umpisa pa lang ipinaliwanag ko na sa’yo ang lahat. Pero sasabihin ko na ngayon.”

            Umusog ako ng kaunti kay Cupid at pinakinggan maigi ang sinasabi niya.

            “Si Ayesha, dati siyang isang mortal. Maganda at napakaraming lalaki ang nagkakagusto sa kanya. Pero katulad ng ibang mortal, meron ding nagiisang lalaking nakalaan sa kanya. Nung una iniisip ko, hindi na ako masyadong mahihirapan sa kanila. Bago ko pa kasi sila mapana ay may nabuo na agad na connection sa kanilang dalawa. Ang gagawin ko na lang ay ang pagtibayin at patatagin ang connection na ‘yun gamit ang pana ko. Kaya lang nagulo ang lahat ng makielam si Aphrodite.”

            “Si Aphrodite? Yung mother mo? Yung Goddess of Beauty?”

            Tumango si Cupid, “oo. Kinuha ni Aphrodite si Ayesha sa mundong ito at dinala sa mundo namin upang gawing apprentice niya. Kahit ayaw ni Ayesha, wala siyang nagawa. Afterall, wala namang kakayanan ang isang mortal na kalabanin ang kagustuhan ng isang Goddess.”

            Napa-tango ako. Tama siya diyan. Tamang-tama. Kaya nga mina-matchmake ko ngayon si Luke at Elise eh.

            “Nang makasanayan na ni Ayesha ang mundo namin, naging maayos naman ang lahat,” pagpapatuloy niya. “Kaya lang nang aksidente niyang mabasa ang book of soulmates, doon na ulit nagkaroon ng bagong kaguluhan. Nakita niya kasi na nakaguhit ang tadhana niya sa lalaking mahal niya. Pero dahil malapit na siyang maging isang ganap na Goddess, unti-unti nang nabubura ang pangalan niya sa librong iyon dahil nag-iiba na ang kapalaran niya. Nag-rebelde si Ayesha at tumakas kay Aphrodite. Hindi ko alam kung sino ang tumulong kay Ayesha para makatakas, pero nagawa niyang makabalik sa mundo ng mga tao. Yun nga lang, huli na ang lahat nang makabalik siya. Dahil patay na ang lalaking nakatadhana sa kanya.”

She Who Stole Cupid's ArrowWhere stories live. Discover now