Chapter 12 (11/27/14)

520K 16.8K 5.1K
                                    

Chapter 12

 

[Jillian’s POV]

 

“Anong ginawa niya sa’yo… Psyche?”

            What the hell.

            Psyche? Tinawag niyang Psyche si Enid? Ibig sabihin siya ang asawa ni Cupid?

            Paano nangyari yun?! At bakit magkakilala sila ni Ayesha?!

            Tinabing ni Enid ang kamay ni Cupid, “excuse me sir, pero hindi po kita kilala at hindi po Psyche ang pangalan ko.”

            “H-hindi! Ikaw si Psyche! Hindi mo ba ako nakikila? Si Cupid ‘to!”   

            Oh no.

            Nakarinig ako ng mga bulungan mula sa mga ka-opisina ko habang weird na weird silang nakatingin kay Cupid.

            “Psyche, hindi mo ba ako nakikilala?” nilapitan niya ulit si Enid at amba niyang hahawakan ang mukha nito nang bigla siyang kinuwelyuhan ni Edgar, isa sa mga ka-opisina ko.

            “Okay pre, ayos ka rin dumamoves ah! May pa Cupid and Psyche ka pang nalalaman diyan. Pero hands-off pare. Respeto naman sa babae.”

            Hindi pinansin ni Cupid si Edgar at ang tingin niya ay na kay Enid pa rin.

            “Psyche, hindi mo ba talaga ako nakikilala?”

            “Hindi nga yun ang pangalan ko sir!”

            “Si Ayesha ba ang may kagagawan nito?!” giit niya kay Enid at hinawakan niya ang kamay nito.

            “Ano ba pre!” hinila ulit siya ni Edgar palayo kay Enid at sinuntok siya nito.

            Oh my goodness! Sinuntok ni Edgar ang God of Love! Hala siya! Mamaya tanggalan siya ni Cupid ng love life!

            Agad akong pumagitna sa kanila, “Edgar! T-teka tama na!”

            “Jillian, what the heck is wrong with your cousin?!”

            “Sorry!”

            Tinignan ko si Cupid at inalalayan patayo.

            “Psyche..”

            Hinila ko si Cupid palabas ng opisina habang nag pupumiglas siya.

            “Ano ba! Kailangan ko siyang kausapin! Kailangan kong kausapin ang asawa ko!”

            “Cupid, calm down!”

            “Si Psyche! Si Psyche ‘yun! Yung mahal ko yun!”

            “Teka, sigurado ka ba?”

            “Asawa ko siya at kilalang-kilala ko siya!” nakita ko ang galit sa mga mata ni Cupid. “Si Ayesha. Siya ang may kagagawan nito. Hindi ko siya mapapatawad.”

            Tinalikuran ako ni Cupid at alam kong aalis siya.

            “Cupid, saglit lang!”

            Hinawakan ko ang braso ni Cupid at nagulat ako nang biglang may nakakasilaw na liwanag ang pumalibot sa aming dalawa.

            “W-what’s happening?!”

She Who Stole Cupid's ArrowWhere stories live. Discover now