Chapter 8 (11/11/14)

560K 18.2K 4.2K
                                    

Chapter 8

 

[Jillian’s POV]

 

“Jillian, una na kami ha?” sabi sa akin ni Elise habang pinapatay niya ang desktop niya.

            “Sige. Ingat kayo and enjoy.”

            “Sayang hindi ka makakasama,” sabi naman ni Luke.

            Nginitian ko siya, “okay lang ‘yun. Marami pang next time.”

            Sabay na umalis si Luke at Elise. Maya-maya lang din, isa-isa nang nagpapaalam sa akin ang mg aka-opisina ko hanggang sa ako na lang ang nag-iisang natitira dito---at si Sir West na nandoon pa rin sa loob ng opisina niya.

            Napakamot ako ng ulo. Paano ko magagawang tapusin ang 80K word count na manuscript na ito kung nasa 40K pa lang ang nababasa ko? Naduduling na talaga ako. At pagod na rin ang mata ko.

            Napatingin ako sa orasan. 7:30pm na. Hanggang 5pm lang ang pasok ko eh. Pero nandito pa rin ako sa opisina at nag t-trabaho.

            Kung pakiusapan ko na lang kaya si Sir West na bukas ko na lang tatapusin ‘to? O kaya iuuwi ko sa bahay at hindi ako matutulog para lang matapos ‘to. Kesa naman gabihin ako dito sa opisina!

            Kaso may pagka-strikto pa rin siya eh. Paano kung bulyawan ako?

            Eh kung magpa-cute na lang ako sa harap niya? Mag b-beautiful eyes ako! Ha! Hindi siya makaka-resist sa charm ko!

            “Tsk, tsk, tsk. Bad ‘yan.”

            Bigla akong kinilabutan nang may nag salita. Anak ng tokwa naman oh! Mag isa na lang ako dito! May multo pa naman sa opisina namin!

            “Ang gwapo kong multo.”

            Napalingon ako bigla sa desk ni Luke at nakita ko doon si Cupid na naka de-quatro habang iniinom ang kape ko.

            “Huy! Ano ang ginagawa mo rito ha? Mamaya makita ka ni Sir West eh! Tsaka pwede ba, tanggalin mo nga yang shades mo! Wala nang araw ‘no!”

            Ibinaba niya ang tasa ng kape sa desk ni Luke. Sinunod naman niya ako at tinanggal ang shades niya atsaka niya isinabit ito sa polo na suot niya.

            “Masama kang mortal ka!” naka-ngisi niyang sabi sa akin. “Mapag-samantala ka ng damdamin ng ibang tao!”

            “Ano na naman ‘yang pinaparatang mo ha?”

            “Balak mo pang mag take advantage sa nararamdaman ni West sa’yo. Tsk tsk. Bad.”

            Bigla ako napaiwas ng tingin sa kanya.

            “Isang beses lang naman…” I murmured.

            “Kahit na! Masama pa rin ‘yun!”

            “Oo na! Oo na! Lumayas ka nga rito kasi na-di-distract ako sa trabaho ko. Ang dami-dami ko pang gagawin. Hindi ko na alam paano pa tatapusin ‘to!”

            “S-sorry..”

            Natigilan ako bigla dahil ibang boses na ang narinig ko. Nilingon ko ang desk ni Luke. Wala na si Cupid doon.

She Who Stole Cupid's ArrowWhere stories live. Discover now