Chapter 23 (01/07/15)

512K 17K 4.7K
                                    

Chapter 23

 

[Jillian’s POV]

 

Monday morning. Mag-isa akong pumasok sa work dahil hindi nagpakita si Cupid sa apartment ko. Actually, mula Sabado pa simula nang sinabi niya sa akin na mag o-audition siya sa The Voice eh hindi na siya bumalik sa apartment ko.

            Hindi kaya, talagang nag audition ang isang yun at nakapasok siya?

            Paano na ang misyon namin kung papasok na talaga siya sa showbiz?

            Maaga akong umalis ng bahay dahil ayokong sagupain ang punuan sa jeep at ang traffic sa C5. At dahil napaaga naman ako masyado, 8am pa lang nasa opisina na ako.

            Well, okay nang maaga kesa late.

            Akala ko, ako ang unang makakarating sa opis kaya lang pag bukas ko nang pinto, nakita ko si Enid na naka-pwesto na sa desk niya at nagbabasa. I approached her.

            “Hi Enid!”

            Inangat niya ang tingin niya sa akin, “oh Jillian! Ang aga mo ah?”

            “Ikaw rin! Ano yang binabasa mo?”

            Inangat ko yung isang librong nasa desk ni Enid at binasa ko yung title.

            Greek Mythology in Contemporary English.

            Tinignan ko yung hawak niyang book na kasing laki ng pocket book. Greek mythology din. At yung isang itim na hardbound na book na may black cover, silver pages ay may nakalagay din na “Greek Mythology” in gold letters.

            “Anong meron sa Greek Mythology?”

            “A-ah w-wala. M-may hinahanap lang ako,” sagot niya sa akin at kinuha niya ang book na hawak ko.

            I shrugged, “okay.”

            Naglakad na ako papunta sa desk ko.

            “Uhmm, Jillian..”

            Nilingon ko si Enid, “hmm?”

            “M-may kilala ka bang Psyche?”

            Natigilan ako bigla sa tanong niya.

            “What do you mean?”

            “I mean, si Psyche na kabilang sa greek mythology? Meron bang story si Cupid at si Psyche sa book ng Greek Mythology?”

            “Oo!” mabilis kong sagot sa kanya. “Meron! Favorite ko nga ang story nila eh. Ang sweet-sweet kaya nilang dalawa!”

            Alalahanin mo na si Cupid please. Sana matandaan mo na siya.

            “Sa greek mythology book mo nabasa?”

            “Yep!”

            “Anong version ng greek mythology book?”

            “Hmm, sa lahat ng version, may story doon ni Cupid at Psyche. Pero ang meron ako ay katulad nung sa’yo na contemporary English version.”

She Who Stole Cupid's ArrowWhere stories live. Discover now