Chapter 22 (1/2/15)

547K 17.3K 8.3K
                                    

Chapter 22

 

[Enid’s POV]

 

“Eros, umorder ka pa ng sizzling sisig kung pinapalamig mo naman ‘yang pagkain mo. Ba’t hindi mo na umpisahan ang pagkain at mamaya mo na ako titigan?” I told him kaya naman napababa ang tingin niya sa pagkain niya pero masyadong evident ang masayang ngiti na gumuguhit sa labi niya.

            “Mas maganda ka kesa sa sisig,” pabulong niyang sabi.

            Napataas ang kilay ko, “inihahalintulad mo ba ang itsura ko sa isang sisig?”

            Ibinalik ni Eros ang tingin niya sa akin at mas lalong lumawak ang ngiti niya.

            “Gusto mo ba, ang lasa mo at ang lasa ng sisig na ito ang ipag-compare ko?”

            Bigla akong namula sa sinabi ni Eros at napayuko ako. Bakit ba ganyan siya kung bumanat?! Minsan ang korny, minsan ang cheesy at ngayon naman, katulad ng kinakain niya…ang sizzling?

            I cleared my throat, “so, uhm, ano na ang story ni Cupid at Psyche?” pag-iiba ko ng topic.

            “Gusto mo ba talaga malaman?”

            “Oo naman!” sagot ko sa kanya.

            Hindi ko alam talaga kung may nag e-exist bang ganung story. Siguro gawa-gawa lang ni Eros. Paano ba naman kasi, English major ako at nabasa ko ang buong greek mythology. Back to back. Cover to cover. Lahat ng tungkol doon ay masasagot ko. Pero wala talagang story ni Cupid at Psyche doon. Ni hindi ko nga kilala kung sino si Psyche eh.

            “Okay, ikukwento ko sa’yo,” sagot niya sa akin na parang ang saya-saya niya dahil makikinig ako sa kanya.

            Might as well na sakyan ko na lang siya.

            “I’m listening,” nginitian ko siya.

            “Merong isang hari na may tatlong anak na babae,” pagsisimula niya ng kwento niya. “Lahat sila, biniyayaan ng walang kapantay na ganda pero sa kanilang tatlo, ang bunso ang pinaka maganda sa lahat. At si Psyche ‘yun.”

            Napa-ngiti ako, “wow. Lakas maka-fairy tale!”

            Sumimangot si Eros, “hindi ito fairytale! Myth ito.”

            Napa-tikom ulit ang bibig ko. Mukhang seryoso talaga siya sa kwento niya. Mas maganda pa kung hindi ako sasabat.

            “Iba’t-ibang mga kalalakihan na nag mula sa iba’t-ibang lugar ang naglalakbay papunta sa kaharian nila para lang masilayan ang kagandahan ni Psyche. Yung iba pa ay tumigil na sa paniniwala kay Aphrodite—the goddess of love and beauty---at si Psyche na ang kanilang sinasamba. Dahil doon, nagalit at nagselos si Aphrodite sa mortal na si Psyche kaya naman inutusan niya ang kanyang anak na si Cupid na iduktong ang kapalaran ni Psyche sa isang halimaw. Pero kesa mapana ni Cupid ang halimaw, aksidente niyang napana ang sarili niya kaya naman siya ang na-inlove kay Psyche.”

            “Wait, may loophole ka sa kwento mo,” singit ko ulit sa kanya.

            Napataas naman ang kilay niya, “at ano naman iyon?”

            “Cupid never misses his arrow.”

            Lumawak ang ngiti ni Eros, “tama ka. Sabi sa Greek mythology, aksidenteng na-pana ni Cupid ang sarili niya. But do you know what I thought?”

She Who Stole Cupid's ArrowOnde as histórias ganham vida. Descobre agora