Prologue

2.3M 40K 6.7K
                                    

Prologue

“Alam ko ang ginawa mo,” sabi sa’kin nung lalaking naka-sandal sa pader ng apartment ko. Naka-crossed arms siya habang naka-ngisi siya sa akin na para bang nahuli niya akong gumagawa ng kasalanan.

            “S-sino ka?! Magnanakaw ka ‘no! Wala kang makukuha sa apartment ko! Magpapatawag ako ng s-security!”

            Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi niya at lumapit siya sa’kin.

            “Sino ako? Pwede mo akong tawaging Eros. Pero mas kilala ako sa pangalang Cupid. At sa ating dalawa, ikaw ang magnanakaw.”

Pinanliitan ako ng mata nung lalaki. Seryoso na ngayon siyang nakatingin sa’kin.

“You broke into my lair and you stole my bow and arrow.”

            Para akong nawalan ng dugo sa katawan dahil sa sinabi niya. Nanlamig ang pakiramdam ko at ramdam ko ang malalagit na pawis na namumuo sa noo ko.

            Napalunok ako bigla.

            This isn’t happening. Nag hahallucinate lang siguro ako. Hindi totoo ang mga nangyari kanina at nung mga nakaraang araw. Yung magandang babaeng naka-belo, yung kumikinang na compass at love potion, pati yung malaking bahay na pinuntahan ko at yung pana ni kupido… hallucination lang lahat nang yun.

            Epekto siguro ito nang pagbabasa ko ng maraming manuscript.

            Bukas na bukas talaga mag re-resign na ako sa trabaho ko!

            “You are not hallucinating, Jillian. Totoo ang lahat ng mga nangyayari sa’yo,” sabi sa’kin nung lalaki na para bang nabasa niya ang nasa isip ko.

            “Ninakaw mo ang pana ko at pinlano mo itong gamitin kay Luke, tama ba?”

            Napalunok ako bigla.

            Totoo ang sinabi niya. Ninakaw ko ang pana niya at ibinuhos ko doon ang love potion na ibinigay nung babaeng naka-itim na belo. Pero nung papanain ko na si Luke, biglang dumating si West at siya ang tinamaan ng pana.

            Si West. Ang boss kong terror.

            Ayoko nang paniwalaan ang mga nangyayari.

            “Alam mo bang dahil sa ginawa mo, ginulo mo ang timeline ko, limang tao ang nanganganib na hindi na mahahanap ang one true love nila, at mauudlot na naman ang pagkikita namin ng asawa kong si Psyche dahil kailangan kong ayusin ang gulong ginawa mo.”

He took a step forward at bigla niyang hinawakan ang magkabilang kong braso. Tinitigan niya ako ng seryosong-seryoso sa mata na halos atakihin ako sa puso dahil sa sobrang kaba ko sa kanya.

 “At ngayon binibining Jillian, magbabayad ka…”

***

This week ko rin po ippost ang first chapter nito. Pag napost ko na ang Epilogue ng Angel in Disguise :D

Note: May ilang greek gods/godesses akong babanggitin sa story na 'to na hindi po talaga nag-eexist sa Greek Mythology. :)

She Who Stole Cupid's ArrowWhere stories live. Discover now