Chapter 56: He's back

2.4K 63 0
                                    


Chapter 56: He's back
--------

Chane's POV

Stress na stress ako dahil sa hectic ng schedule ko this past few days. I need break for pete sake

Feeling ko para na kong lantang gulay, halos wala pa kong tulog at pahinga.

Ramdam kong malapit na kong tumumba kaya umupo muna ko sa coach

"Nicole, uuwi muna ko. Pakiramdam ko magkakasakit ako" Sabi ko sa PA ko na si Nicole, ilang araw pa naman bago ang concert ko kaya pwede bang magrehearse sa susunod na mga araw

"Okay po" sabi niya at nagsimula na kong maglakad papaalis ng rehearsal room

Habang naglalakad ako sa hallway, umiikot na ang paningin ko at kahit anong oras ay babagsak na ko

Napahawak ako sa pader at dahang-dahan na naglalad. Walang tao sa hallway bukod sakin

Nakapasok na ko ng elavator, sasarado na sana ito pero may lalaking humabol

"That was close" natatawa niyang sabi pero hindi ko siya pinansin, pinikit ko ang mata ko habang naghihintay na makababa ang elavator sa parking area

Palabas na ko ng elevator ng tuluyan ng bumigay ang katawan ko, akala ko babagsak na ko sa sahig pero may sumalo sakin

Tinignan ko kung sino ang taong yun pero nanlalabo na talaga ang paningin ko kaya hindi ko makita ang itsura na pero I thing im sure of parang familiar siya at bago tuluyang mawalan ng malay ay may sinabi siya ngunit hindi ko to narinig

"Tulad ka pa rin ng dati"

-----------

Nagising ako ng bandang 8pm na. Nagising na lang ako nang nasa condo ko na ako

'Sinong nagdala sakin dito?'

Umupo ako, masakit pa rin ang ulo ko. Sinisipon na rin at at sinamahan pa ng ubo. Magkaka trangkaso pa ata ako.

Napalingon ako sa side table ko at may nakita akong mangkok dun at may note

'Eat this, get well soon ❤'

Napa-kunot noo ako at kinuha ang mangkok

'Lugaw? Sino naman ang nagluto nito?' bulong ko

Sinimulan ko ng kumain at pagka-ubos ko nun ilalagay ko nasa yung mangkok sa side table ng mapansin kong may isang baso pa pala ng tubig dun at may gamot sa tabi nito

Napangiti naman ako bahagya. Atsaka ko yun ininom at humiga muli bago ako tuluyang makatulog hindi mawala wala sa isip ko lung sino ba ang nagdala sakin dito, posible kayang ang tainh nagdala sakin dito ay ang tao ring nagluto nun?

'Kung sino ka man, thank you' I whispered and fall asleep

--------

Inaayos ko na ang sarili ko dahil malapit ng mag simula ang concert in just few minutes

Rinig ko ang malakas na hiyawan kahit nasa dressing room pa lang ako

Tinawag na ko kaya nagpunta na ko sa back stage, sinakbit ko na ang gitara ko sa braso ko

Medyo nang hihina ang tuhod ko dahil kagagaling ko pa lang sa sakit pero kayo ka pa namang magperform kaya no worries

Ng tinawag na ang pangalan ko lalong lumakas ang hiyawan ng tao sa concert hall at sabay sabay nilang sinisigaw ang pangalan ko

Namatay ang mga ilaw na hudyat na simula na. Tumahimik na rin ang mga tao

Naglakad na ko papunta ng stage, huminga ko ng malalim atsaka ko nagsimulang magstrum at kumanta

The Hearthrob's Secret (REVISING)Where stories live. Discover now