Chapter 46: That Dream is True

2.6K 59 10
                                    

Chapter 46: That Dream is True

-----

(A/N: Una po sa lahat, ang chapter na to ay flashback lang para sa chapter 34. Sana wag kayong malito. Enjoy!)

Third Person's POV

(Sa langit...)

Dalawang buwan na ng lisanin ni Chane ang mundong ibabaw

Araw-araw niyang binabantayan si Key, minsan hindi niya maiwasang malungkot dahil yung taong mahal niya ay nangungulila sakanya pero wala na siyang ibang magagawa pa. Tapos na ang oras na palugit sakanya

Sa mga oras na to, pinapanood niya si Key mula sa kalangitan

Hindi siya natutuwa sa ginagawa nito dahil pinapahirapan niya lang yung sarili niya

'Key naman...' naluluhang sambit nito

'Huwag mo namang sirain yang buhay mo dahil sa pagkawala ko. Alam kong may mahahanap ka pang iba diyan na mas mamahalin mo' Hindi napansin ng dalaga na tuloy-tuloy na pala ang pag-agos ng mga luha niya sa mata

"Ibang klase talaga ang kayang gawin ng pag-ibig" Napalingon ang dalaga ng may magsalita sakanyang likuran---- Si san Pedro

Nginitian siya ng matandang lalaki at tumingin sa ibaba kung nasan si Key

"Masasabi talagang ang pag-ibig ang pinaka namamayani sa lahat" wika nito "Pwede kang gawing mabuting tao at pwede rin namang hindi"

Malalim ang mga salitang binibitawan ng matandang lalaki pero naiintindihan naman ito ni Chane

"Nakakalungkot isipin na kung sino pa ang mga taong dapat bigyan ng magandang love story ay sila pa itong pinagkakaitan" napangiti ang lalaki ng pilit

"Pero sabi nga nila may plano ang Diyos sa lahat ng nangyayari. Kaya ang dapat lang nating gawin ay ang maghintay" pag kasabi ng lalaki ng nga salitang ito ay umalis na siya

--------

Tulad ng dati, pinapanood lang ni Chane si Key

Patungo si Key sa rooftop ng kanilang paaralan sa hindi malamang kadahilanan ni Chane pero may namuong kaba sa dibdib niya sa hindi niya malamang dahilan

kinabahan si Chane ng tumayo si Key sa railings 'Key, huwag na huwag mong gagawin yan' bulong ni Chane

"Chane, patawarin mo ko kung gagawin ko to, pero hindi ko na talaga kaya, ang bigat bigat na dito" turo ko sa puso ko "Ito lang tanging paraan para makasama muli kita, alam kong mali pero ginusto ko naman to"

"Key, hindi mo pa oras, alam kong nalulungkot at nasasaktan ka sa pagkawala ko pero ang bagay na gagawin mo ay hindi solusyon sa lahat, please key wag mong ituloy ang gagawin mo, ayokong masira ang buhay mo ng dahil sakin, darating yung oras na makakahanap ka ng mas higit pa sakin" hindi alam ng dalaga kung naririnig ba ni key ang mga sinabi niya

"Pero gusto na kitang makasama" wika ng binata

Umiling-ilang lang ang dalaga, hindi na ulit siya nag salita pa. Alam niyang sa oras na to ay nagbago na ang isip nk Key dahil nagmukhang payapa na ang itsura nito

Nakahinga ng maluwag ang dalaga nang unti-unti ng bumababa si Key pero nagulat siya ng mamali ito ng tapak

'Keeeeeey!'

"AHHHHHHH!"

Napatakip na lang ng mukha ang dalaga ng makita niya ang katawan ni Key na duguan

Nagtungo agad siya sa panginoon para humiling

"Ama, wag niya naman po sanang hayaan na ganon na lang ang maging katapusan niya" pagsusumamo nito habang umiiyak

"Mahal na mahal ko po siya pero ayoko naman pong ganon na lang ang kahantungan ng buhay niya at hindi ko maiwasang sisihin yung sarili ko dahil sa nangyari sakanya"

Tumayo ang panginoon at lumapit sakanya "Tunay nga ang pagmamahal mo" nakangiting sabi ng Panginoon "Dahil nakita kong lubos mo nga siyang mahal bibigyan ko kayo ng isang pagkakataon. Ngunit pagbalik mo sa lupa lahat ng nangyari sainyo masaya man o malungkot ay magiging isang panagip lamang para sakanya. Wala dapat makaalam sinuman na totoo ang lahat ng pangyayaring iyon. Maliwanag ba?" hindi mapigilan ni Chane ang kagalakan sa puso niya kaya niyakapa niya ng mahigpit ang Panginoon

"Salamat po. Maraming salamat po"

"Sige na. Humayo ka na"

Nagpaalam na siya sa Panginoon pero nakalimutan niya pano siya makakabalik

May boses na bumulong sakanya at alam niyang ang panginoon iyon "Ipikit mo lamang ang iyong mga mata" sinunod naman niya ito

Pagkadilat niya, nasa clinic na siya ng paaralan at nakita niya si Key na nakahiga

Lumapit siya rito at hinaplos ang mukha ng binata.  'Namiss kita' bulong nito

Umupo na si Chane dahil baka mamaya ay magising na rin ito

"AHHHHHHHH!" Sigaw nito

'Ito na ba yung sinasabi ng Panginoon na lahat ng nangyari samin noon ay magiging isang panaginip na lamang sakanya?'

"Manahimik ka! Leche!" napatingin ang binata kay Chane at bakas ang pagkagulat

Marahil dahil sa panaginip niya. Minabuti ni Chane na ibahin ang ugali niya para hindi magtaka si Key dahil ang sabi nga ng Panginoon 'Wala dapat makaalam nito sinuman'

-------------







The Hearthrob's Secret (REVISING)Where stories live. Discover now