Chapter 53: He's gone

2.4K 59 9
                                    

Chapter 53: He's gone

---------

Chane's POV

Dalawang araw na kaming nandito sa batangas at hanggang ngayon hindi pa rin sko makapaniwalang ginawa talaga namin ang bagay na yon

Pero wala naman akong pinagsisisihan ginusto ko naman yun, mahal ko siya at gusto kong sakanya ko ibibigay ang virginity ko.

Naglinis kami ng bahay sa buong araw na to, halos hapon na ng matapos kami ang laki kasi talaga ng beach house ng ate niya

Gusto kong makilala at makita ang ate ni key mukha kasing ang bait niya

Nakwento din sakin ni Key na sobrabg close sila ng ate niya para na rin niya daw tong bestfriend dahil sa sobrang closeness nila

Naglalakad kami ss dalampasigan habang pinapanood ang paglubog ng araw

Halos tangayin na ng hangin yung buhok ko sa sobrang lakas ng hangin

Hindi ko mapigilang hindi mangiti habang pinagmamasdan ko yung kamay naming magkahawak

"Bakit ka nangingiti jan?" napansin pala niya, tumingin ako sakanya ng nakangiti at saka umiling

"Bakit nga?" malambing niyang sabi

"Masaya lang ako" pinisil ko yung kamay niya "Masaya ako kasi kasama kita"

Huminto kami sa paglalakad. Iniharap niya ko sakanya at tinignan sa mata "Masaya rin ako kasi kasama kita" hinalikan niya ko sa noo

"Masaya ako kasi ikaw yung mahal ko" hinalikan niya yung ilong ko

"At masaya ako kasi ako yung mahal mo" at hinalikan niya ko sa labi

Tinignan niya ulit ako at niyakap "I love you so much..."

"I love you more" nakangiti kong sabi habang yakap siya

Bumalik na kami sa beach house dahil madilim na rin.

Sabi ni Key siya daw ang magluluto dahil gusto niya ako yung unang babaeng ipagluluto niya

Nakaupo ako sa counter habang pinapanood siya 'Hindi talaga ako nagkamali ng taong minahal'

Sumulyap siya sakin at kumindat, nginitian ko lang siya

'Kapag kasama mo pala talaga ang taong mahal mo napaka saya mo kahit sa simpleng bagay lang'

Natapos na siyang magluto, nilapag niya sa harapan ko yung pagkaing niluto niya na hinfi ko alam ang tawag pero amoy pa lang masarap na

Magkaharap kaming dalawa at medyo malapit ang mukha namin sa isa't isa

Bigla siyang ngumuso, napa kunot noo naman ako maya maya lang na-gets ko na yung gusto niyang iparating

Kiniss ko siya sa lips ng mabilis "Nakakarami ka na a" ngumiti lang siya sinabi ko at ginulo yung buhok ko

Sa mga ginagawa ni Key hindi siya pumapalya sa pagpapakilig sakin

Natapos na kaming kumain, hinugasan na namin yung mga pagkainan namin

Magkahawak kami ng kamay. Papaakyat na kami ng hagdan ng biglang bumukas ng napakalakas yung main door at niluwa nun ang mga lalaking naka itim

Hinigpitan ni Key yung pag hawak niya sa kamay ko, bigla na lang akong kinabahan at natakot

'Nahanap na ba kami ng magulang ni Key?'

'Isasama na ba nila si Key? Ayoko. Ayoko.'

Nasa likuran ako ni key at para bang pinoprotektahan niya ko

Pumasok yung mga lalaki akala ko konti lang sila pero hindi baba sa sampu ang bilang nila

"Young master sumama na po kayo samin ng maayos kung magmamatigas po kayo wala po kaming magagawa kundi daanin ito sa dahas" sabi ng isa sakanila

"Hindi ako sasama sainyo!" sigaw ni Key "Pabayaan niyo na lang ako pwede ba?!"

"Utos po ito ni Master, ang bilin po niya samin ay isama kayo pabalik sa france at kung magmamapilit kayong hindi sumama wala na kaming nagagawa pa kundi ang isama kayo ng sapilitan"

"Sabihin niyo sakanya tigilan niya na ko! At hindi ako sasama!"

Tumingin yung lalaking nagsalita sa mga kasama niya at sumenyas

Lumapit sila samin at hinihila si Key

"Key!" magkahawak pa rin yung kamay namin "Key, wag mo kong iwan" nagsimula na kong umiyak ayokong magkahiwalay kami. Ayoko. Kung kelan masaya na kami saka naman nagkakaganto

"Wag kang bibitaw sa kamay ko" tumango tabgo ako at mas lalo kong hinigpitan yung pagkakahawak ko sakanya

Pero hindi nagtagal pati ako ay hinila na rin ng mga lalaki pilit nila kaming pinaghihiwalay

"Parang awa niyo na po wag niyo na kaming pakielaman" pagmamaka-awa ko saknila pero parang wala lang silang narinig

.

Napahagulgol na ko ng unti-unti ng dumudulas yung kamay ni Key sa kamay ko

"Chane!" .

Hanggang sa tuluyan ng dumulas yung kamay niya nanlaban siya pero sadyang mas malakas yung mga lalaki sakanya

"Bitawan niyo ko sabi! Chane! Ano ba!" naririnig kong sigaw niya habang dinadala siya ng mga lalaki palabas ng bahay

Parang nanghina ako sa mga nangyare kaya napaupo ako sa sahig patuloy lang sa pag-agod yung luha ko at paulit ulit kong tinatawag abg pangalan ni Key

Binitawan na ko nung dalawang lalaki at sumunod na sa mga kasama nila

Tumingin ako sa pinto gusto ko siyang makita kaya inipon ko lahat ng natitirang lakas ko para makatayo

Paglabas ko ng bahay nagsisimula ng lumipad yung helicopter

Tumakbo ako papalapit dun "Key!"

Hawak hawak pa rin siya ng mga lalaki "Babalik ako! Babalikan kita Chane hintayin mo lang ako" tuluyan na silang nakaalis at naiwan ako magisa dun

Pinagmasdan kong tuluyang maglaho ang sinasakyan nila

Pinunasan ko yung mga luha ko sa mata

"Hihintayin kita Key. Hihintayin ko ang pagbabalik mo"

-----------

The Hearthrob's Secret (REVISING)Where stories live. Discover now