Chapter 38: Palawan

3K 61 3
                                    

Chapter 38: Palawan

---------------

Chane's POV

Ngayon yung unang araw namin para maglibot, tinawagan din yung nga magulang namin para ipaalam yung nangyareng insidente natuwa naman sila at walang nagsaktan o napahamak kaya tuloy pa rin ang fieldtrip

Yung 2 days ang 1 night naming fieldtrip ay ginawang 3 days para daw mas makapag-enjoy kami

"Ayos lang po ako pa, hindi po ako nasaktan.... Osige po.... I love you too din..." Binaba ko na yung tawag at tuminggin sa bintana

Nakasakay kami sa bus papuntang underground river

Lahat ng estudyante masaya ag ang iingay samantalang ako tahimik lang hindi ko.kasi hilig ang makisalamuha tangging si Key lang ang taong napalapit sakin

Natutulog siya sa tabi ko, medyo may kalayuan pa ang pupuntahan namin

Habang bumabyahe kami nagsountrip lang ako habang nakatinggin sa bintana nang maramdaman kong may mabigat na bagay sa balikat ko kaya tinignan ko kung ano yun

Si Key. Na sobrang tulog na tulog. Inayos ko yung ulo niya sa balikat ko para hindi siya mahirapan

Tinignan ko siya, at hindi ko mapigilang hindi mapangiti.

I kissed his forehead "I really do like you"

------------

Key's POV

Nagising ako nang nakarating ba kami sa underground

Pinababa na rin lahat ng estudyante sa bus kasama kami dun ni Master

Habang naglalakad kami hindi ko mapigilang mamangha sa paligid. Ang linis, ang ganda at ang aliwalas

Isa-isa kaming pinasakay sa mga bangka, magkasama naman kami ni Master sa iisang bangka

Nagsimula ng magsagwan si Kuya papasok sa underground river unti-unti na ring nagdidilim ang paligid

Nang makalabas na kami sa underground river ay sunod kaming pumunta sa isang butterfly garden

Sobrang daming butterflies na iba't ibang klase. Nalibot namin ang buong garden. Duon na rin kami nag tanghalian dahil may restaurant sa loob nun na lalong mas nagpaganda sa lugar

Nagpahinga lang kami ng ilang orad at nagpunta naman kami sa isang museum sa PACON CAMO

Tulad ng dati walang ganong nasiyahan dahil boring naman talaga ang pag-lilibot sa museum

Umuwi na kami sa Hotel na tinutuluyan namin dahil madilim na rin at doon nagtapos ang unang araw namin sa palawan

-----------

Ngayong umaga wala kaming schedule na pupuntahan kaya nag-aya ang iba na magswimming na lang muna dah mamayang gabi ay pupunta kami sa isang night festival

Hindi ako sumama sa swimming dahil ayaw ni Master. Sinundan ko siya sa rooftop ng hotel kung saan siya naroroon ngayon

Nakita ko siyang nakaupo kaya tinabihan ko siya

Wala akong balak magopen ng topic ng biglang nagsalita si Master

"Hoy Dukha, ano bang feeling ng...... inlove?" napatinggin ako sakanya ng wala sa oras, dun ko napansing namumula yung pisngi niya mad lalo tuloy akong nainlove sakanya

"Bakit mo naman natanong? Inlove ka ba?"

"H-hindi no! Nagtatanong lang! naku-curious lang kasi ako"

Hindj ko mapigilang hindi mapangiti, sobrang defensive kasi ni Master tas sobrang nataranta siya sa tanong ko halos mabulol na siya

"Ang masasabi ko lang, masarap sa feeling. Lagi kang masaya kahit walang dahilan. Napapangiti ka sa tuwing iniisip mo siya. Mga ganong bagay. "

"Dami mong sinabi" mataray niyang sagot

"Eh nagtatanong ka kaya"

"Tse!" at bigla siyang tumakbo

Napailing na lang ako "Weird talaga ni Master"

--------

NIGHT FESTIVAL...

Nag-ayos na kami lahat. Yung pupuntahan naming festival ay katulad ng mga festival sa japan

"Tara na?" tanong ko kay Master pero hindi soya sumagot.

Nakasuot siya ng simpleng dress at nakapony tung buhok niya at may bangs? Ngayon ko lang na pagtanto na ito ang unang beses niyang magtali

Isa lang masasabi ko ang ganda niya talaga. 'I think i'm falling for her really hard'

Nakarating na kami kung saan gaganapin yung festival nagkanya kanyang buhay na ang lahat.

Habang naglalakad ka may mga lanterns na nakasabit nq nagbibigay liwanag at mga tindahan sa gilid na nagbebenta ng mga souvenirs at kung ano-ano pa

Nag-ikot ikot lang kami ni Master at bumili rin nang mapagod na kami nagdecide kaming bumili ng pagkain bago magpahinga

Pumunta kami sa lugar kung saan konti lang ang mga Tao. Umupo kami sa bench at kumain

Napansin kong malapit nang mag 12am. Magkakaroon kasi ng fireworks sa oras na pumatak ang 12 midnight

Habang kumakain kami may matandang babae ang lumapit samin

"Magkasintahan ba kayo?" nakangiti niyang tanong

sasagot sana ako na pero nagsalita ulit si lola "Alam niyo bagay na bagay kayo. May kakaiba akong nararamdaman sainyo, nararamdaman kong pinagtagpo kayo nang tadhana at kayo ay itinanakda para sa isa't isa"

"Ito tanggapin niyo" kinuha niya yung kamay namin at nilagay sa palad namin ang dalawang pares ng bracelet

"Ingatan niyong huwag mawala ang mga iyan. At kahit anong mangyari huwag na huwag niyo yang tatanggalin, dahil yan ang magsisilbing connection niyong dalawa kahit na magkalayo kayo. Sa oras na mapigtas yan nang kusa ibig sabihin may isa sainyo ang nasa panganib..."

Pagkatapos sabihin ni lola yun ay umalis na agad siya

Nagkatinginan kami ni Master parang tinatanong nang mga mata niya anong gagawin namin sa mga bracelets. Nag kabit balikat lang ako dahil kahit ako wala akong Idea

"Isuot na lang kaya natin? Wala namang mawawala kung gagawin natin e" sabi ko at isinuot sakanya yung bracelet niya

Nang maisuot ko na sakanya yun ay pinagmasdan niya lang yun samantalang ako sinuot ko naman yung saakin

Hindi ko mapigilang mangiti kasi para kaming mag boyfriend at girlfriend may couple bracelet kami ;'>

"Key, may sasabihin ako" napatinggin naman agad ako kay Master tinaasan ko siya ng kilay

"I ------ "

*BOOM* (fireworks yan wag kayong ano! Hahaha XD)

Hindi ko na naring yung sasabihin niya dahil biglang magputukan na ang fireworks

Chane's POV

"key, may sasabihin ako"

"I like you...."

-------

The Hearthrob's Secret (REVISING)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora