Chapter 17: Jealous?

4.3K 109 8
                                    

Chapter 17: Jealous?
---------------

Third Person POV

Simula ng araw na malaman ni Chane na si kyoske ay si kyo ay naging malapit na sila sa isa't isa

Sa kasalukuyan sabay na naglalakad ang dalawa papasok sa gate ng school nakita naman ito ni Key na nasa rooftop naningkit ang mga mata niya sa kanyang nakikita

"Kelan pa sila naging close?" wika ni Key

Hindi niya alam pero bigla siyang nakaramdam ng inis kaya napayukom ang kanyang mga kamay

Dahil malapit ng magsimula ang klase napagpasyahan ni key na pumunta na sa classroom at habang naglalakad siya nakitang niyang naguusap si Neil at Phil

"Bro, natatakot ako sa mga nalalaman ko tungkol sa kanya" Phil

"Ako din Bro, pero alam ko marami pa tayong hindi alam na kaylangan nating malaman" Neil

Lumapit si Key sa dalawa niyang kaybigan "Anong pinaguusapan niyo at anong kaylangang malaman" tanong ni key sa dalawa

Nagulat naman ang dalawa dahil biglang lumitaw si key sa kanilang harapan nagkatinginan ang dalawa at parang natataranta "Ah...eh, malapit na mag time una na kami, mamaya na lang bro" sabi ni Neil at kumaripas na ng takbo ang dalawa napailing na lang si key dahil ilang linggo niya ng napapansin ang kakaibang kilos ng dalawa na mukhang may tinatago ang mga ito

Nagpatuloy na lang si key sa paglalakad patungo sa classroom ng napahinto siya ng makita niya si Chane at kyoske sa tapat ng pintoukhang hinatid ni kyoske si Chane sa hindi malamang dahilan nakaramdam nanaman ng pagkainis si Key ng tuluyan ng umalis si kyoske pumasok na si key sa loob ng classroom at nakita niya ang kanyang master na nakatinggin sa bintana

Nagpunta na si key sa kanyang pwesto at pumasok na rin ang kanilang guro na mukhang napakasaya "Class, may goodnews ako" nakangiting wika nito

"magkakaroon tayo ng camping this week!" naghiyawan naman ang mga estudyante dahil sa balita ng kanilang guro

"So, class magpaalam na kayo sainyong mga magulang para lahat kayo makakasama" sabi ulit ng guro

Sobrang excited na ang lahat at panay ang kwentuhan kaya napagpasyahan ng kanilang guro na huwag munang magklase

--------------------

Lunchbreak...

tumayo na si key sa kanyang upuan tatawagin niya sana ang kanyang master ng biglang may bumanggit sa pangalan ni Chane napatinggin siya sa pinto at doon niya nakita si kyoske na nakangiti

"Oh kyo?" Wika ni chane nagpintig ang tenga ni key dahil sa narinig niya

The Hearthrob's Secret (REVISING)Where stories live. Discover now