Chapter 54: Move-on

2.5K 55 3
                                    

Chapter 54: Move-on

--------

Trisha's POV

"Bes, tama na kasi. Bumalik ka na sa dati" pinapanood ko lang siyang umiiyak, magang maga na yung mata niya sa kakaiyak araw-araw

Mag-iilang weeks na rin ng mawala si Key, kinuwento ni bes sakin lahat

Sana talaga bumalik yung lalaking yun dahil kung hindi, hindi na siya makakalapit sa bestfriend ko. Ayokong nakikita siyang umiiyak dahil nalulungkot ako para sakanya

Months have passed pero wala pa ring Key ang dumadating, nagsisimula na kong kamunghian siya, si bes umaasa pa din na babalik yung gagong yun dahil nangako daw ito na babalikan siya

Naiinis ako kay Key dapat ang mga babae hindi pinaghihintay! Nakaka-asar siya! Kahit na boto ako sakanya dati ngayon hindi na

Namayat na si bes, hindi kasi siya kumakain sa tamang oras lagi lang siyang nagkukulong sa kwarto niya minsan nga parang wala siya sa sarili niya

Sana kung may balak aiyang bumalik bumalik na siya at kung wala naman sabihin niya! Para hindi naghihintay sa wala yung bestfriend ko

1 year later...

Nandito ako sa coffee shop at hinihintay si bes, gusto daw niya ng makaka-usap

Maya-maya dumating na rin siya, ibang-iba na siya ngayon ang laki na ng pinagbagi niya simula ng mawala yung gagong yun

Umupo na siya sa tabi ko at ngumiti ng pilit sakin, matagal ko na siyang hindi nakikitang ngumiti ng masaya, nakakalungkot lang

"Bes, sa tingin mo dapat ba tumigil na ko sa paghihintay?" biglang nagpantig yung tenga ko sa sinabi niya, sa wakas natauhan na rin siya!

"Buti naman naisip mo yang bagay ba yan. Matagal na kitang sinabihang tumigil ka na pero sige go ka parin" napayuko siya sa sinabi ko

"P-pero pano kung bumalik talaga siya? Nangako siya sakin na babalik siya.... At hihintayin ko siya"

Bumuntong hininga ako "Ang tanong, may hinihintay ka pa nga ba?" uminom ako ng kape bago nagsalita ulit "Kasi bes, kung babalikan ka talaga niya dapat matagal niya ng ginawa. Isang taon ka na ngang umaasang babalik siya pero dumating ba siya? Hindi diba? Kahit nga txt o tawag wala kang natatanggap"

Tumingin siya sakin pero wala sa itsura niya na iiyak siya. Good for her.

"Mamaya, ikaw umaasa kang babalik siya pero siya masaya na pala kung nasan siya. Isipin mo rin kasi yung mga posibilities na pwedeng mangyari"

"Sinasabi ko ang mga bagay na to dahil kaibigan mo ko. Tama na yung pag-iyak at pagmumuk-mok mo sa taong yun. Sinasayang mo lang ang oras mo sa kakahintay sa taong hindi na dadating pa."

Hinawakan ko yung kamay niya "Isang tanong, isang sagot. Maghihintay ka pa rin ba?"

---------

3 years later...

"Grabi bes, sobrang sikat mo na talaga!" Trisha said while clapping her hands

For almost four years maraming nangyari. I became a singer and I change a lot.

Hindi na ko yung dating Chane Logarda na nakilala niyo.

Marami akong bagay na narealize. Marami akong bagay na natutunan for almost four years. Ilan dun ang wag umasa ng sobrang, wag magpakatanga, huwag maging mahina at matututong lumaban.

Maybe Trisha was right. if he really loves he'll comeback for me. Pero sa halos apat ba taon walang Key Santiago ang dumating at nagpakita.

Love was so stupid. It makes a lot of people cry. Bullshit. Muntik na kong maniwala sa forever.

The Hearthrob's Secret (REVISING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant