Chapter 26: Badboy

3.3K 87 8
                                    

Chapter 26: Badboy

-------

Masakit makita na yung taong mahal mo may iba pa lang gusto

Masakit para sayo na kahit anong gawin mo ayaw niya talaga sayo

Pero wala ng mas sasakit pa yung taong mahal mo ay hindi ka kayang mahalin pabalik

Yan ang nararamdaman ni Key sa mga oras na ito, alam niyang simula't sapul mali ang ginawa niyang kalimutan si Chane

Napagtanto niya ito ng magusap sila ng kanyang lola,

FLASHBACK

Ilang araw ng tulala si key, laging wala sa sarili at bakas ang kalungkutan sa kanyang mga mata, napansin naman ito ng kanyang lola kaya nilapitan siya nito

"Apo, may problema ka ba? Napapansin ko nitong mga nakakaraang araw lagi kang tulala" wika ng kanyang lola pero hindi ito napansin ni key

"Apo" at tinapik siya sa braso

"P-po? may sinasabi ho ba kayo?" tanong ni key, napailing na lang ang kanyang lola

"Tungkol ba sa babae ito kaya ka ng kakaganito?" hindi sumagot si Key sa tanong ng kanyang lola

"Alam mo, apo ito ang unang beses na makita kitang naglakaganto dahil sa babae, hindi ko nga rin alam na umiibig ka na pala!"

"La, naman"

"Pero matanong kita, ano bang nangyari at nagkakaganyan ka?"

Huminga muna ng malalim si Key bago magkwento "Kasi La, napagisipan ko pong kalimutan at sumko na lang kahit na mahal ko na siya, may iba po kasi siyang hinihintay, ano naman pong laban ko dun e sa sobrang mahal niya yung taong yun handa niyang hintayin"

Binatukan siya ng kanya lola "Tanga ka din Apo, Alam mo  mali ang sukuan ang taong alam mong mahal mo at lalong mali ang kalimutan mo siya"

Hawak hawak ni key ang kanyang batok na hinampas ng kanyang lola "May iba nga pong mahal La, susugal pa ba ako sa bagay na alam kong sa huli talo ako?"

"Apo, sa sugal, walang makapagsasabing mananalo ka o matatalo ka dahil pwedeng bumaliktad ang lahat" makatwirang sagot ng kanyang lola

Napatahimik naman so Key "Kung mahal mo ipaglaban mo, gumawa ka ng paraan para magustuhan ka din niya, dahil sa puntong yun pwedeng mahulog ang loob niya sayo at makalimutan niya na yung taong hinihintay niya" sabi ng kanyang lola at pumunta na ng kusina

END OF FLASHBACK

 

The Hearthrob's Secret (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon