Chapter 35: Just a dream

3.5K 78 26
                                    

Chapter 35:  Just a dream

-------


Key's POV


Akala ko totoo panaginip lang pala ang lahat!

Naikuwento sakin ni Chane na nadulas ako sa hagdan at nahimatay dahil tumama yung ulo ko sa pader

"Tanga ka kasi, hindi tinitignan yung lalakaran, tsss dukha na nga engot pa!"

Hindi ako nagtatakang panaginip nga lang ang lahat ibang iba ugali ni master sa panaginip ko

Naikuwento ko din ang buong panaginip ko sakanya at hindi maipinta ang mukha busog na busog ako sa panlalait e

"Mandiri ka nga! Ako magkakagusto sayo? sa isang dukha? Asa ka pa!"

"Ako sumali sa banda niyo? Malabong mangyari! Tapos nagpamake over ako? Mas malabong mangyari! Kuntento na ko kung ano ako" tama kayo ng iniisip yung itsura ni Master, ganon pa din nakaharang parin yung buhok niya sa mukha niya

"At sinong Jane naman yan? Wala nga akong kilalang jane sa tana ng buhay ko, siguro mukha siyang uod? Pangalan pa lang e" Maldita talaga tong si Master

"Multo? multo ako sa panaginip mo? Nakakatawa! Hahahahahaha"

"Ako magkakagusto sayo?! Nagjojoke ka ba? Nakakaumay ka! Tama na nga! Ayoko ng malaman yang buong panaginip mo nakakataas ng balahibo e"

Yan ang mga pinagsasabi niya ng ikuwento ko sakanya

Ang weird ng panaginip na yun pero masasabi kong ang cute ng love story namin ni Master dun, hindi man happy ending atleast napatunayan nilang mahal na mahal nila ang isa't isa

Sana hindi na lang panaginip yung nagkagusto sakin si Master, One sided love tuloy ako ngayon! bwesit!

Pero malay natin, magkagusto pala siya sakin sa susunod na mga araw,buwan o taon! Hay nako boomAssume ako dito!

------

Isang linggo na ang nakakalipas pero  sariwa parin sa utak ko yung panaginip ko may part sa sarili ko na totoong nangyari ang lahat meron din namang part sa sarili ko na panaginip lang talaga!

Nakakabaliw! Ano bang pinaglalaban ko? E panaginip lang naman talaga ang lahat!

Bukas na nga pala yung fieldtrip namin, 2 days and 1 night kaya hindi na ganong nagkaklase ang mga teachers yung mga estudyante naman halarang mga excited na

Dahil walang kaming teacher tumabi ako kay master tinignan niya lang ako at umiwas na ng tinggin

"Hindi ka ba excited Master?"

"Hindi"

The Hearthrob's Secret (REVISING)Where stories live. Discover now