Chapter 23: forgotten

3.3K 82 6
                                    

A/N: Ngayon lang nakapag update nagkasakit po kasi ako. Babawi ako promise :)

-------------------

Chapter 23: forgotten
------------------

Third Person POV

'Kakalimutan kita'

'Kakalimutan kita'

'kakalimutan kita' Yan ang laging nageecho  paulit ulit  sa utak ni Chane 

Isang linggo na ang nakalipas ng huling magusap sina key at Chane

"Sigurado ka na ba na kakalimutan mo na siya?" tanong ni kyoske kay Chane Kasalukuyan silang nakaupo sa isang bridge

Tumango naman si Chane tinignan lang siya ni kyoske "Sigurado ko bang hindi mo pagsisisihan ang desisyon mo?" nagkabit-balikat lang si Chane sa tanong ni kyoske

Namahagi ang sandaling katahimikan ng biglang magsalita si Chane

"Alam mo yung feeling na sa sobrang pagmamahal natin sa isang tao nagmumukha na tayong tanga? Yung tipong kahit masaktan tayo ng paulit ulit ayos lang kasi mahal mo e" sabi ni Chane habang nakatinggin kay kyoske

Napatinggin naman si kyoske kay Chane at doon niya pa lang nalaman na nakatinggin pala ito sakanya

ngumiti muna si kyoske kay Chane bago magsalita "Ganon talaga pagdating sa pagibig kahit matatag ka dadating ka sa puntong gusto mo na talaga sumuko" wika ni kyoske at pinat ang ulo ni Chane

"Kyo, kamusta na nga pala yung babaeng gusto mo?" biglang tanong ni Chane

"Ayun, nasasaktan ng dahil sa taong mahal niya" sabi ni kyoske habang nakatinggin sa malayo napatango tango naman si Chane sakanyang narinig "Uso pala saktanan ngayon" natatawang sabi ni Chane

"kyo" seryosong wika ni Chane "Dito ka lang sa tabi ko ha?, wag mo kong iiwan, hindi ko na ata kakayanin kung pati ikaw mawawala sakin"

"Oo naman hindi kita iiwan, hinding hindi ako aalis sa tabi mo"

"Promise?" at tinaas na chane ang kanyang hingliliit na para bang nagpipinky promise ito napangiti naman si Kyoske at tinaas din ang kanyang hinliliit at nakipag pinky promise "Promise" wika ni kyoske ng may ngiti sa labi

---------


Habang lumilipas ang mga araw lalong napapalapit ang dalawa sa isa't isa unti unti na rin nakakalimutan ni Chane si key ng hindi niya namamalayan dahil na rin sa tulong ni kyoske matagal tagal na rin ng huli silang nagkita dahil na rin sembreak na

Buong bakasyon ay lagi silang magkasama halos hindi na nga sila naghihiwalay

Kakatapos lang nila makipaglaro sa mga bata sa isang bahay ampunan na pagmamay-ari ng mga magulang ni kyoske

"Hindi ko alam, mahilig ka pala sa mga bata" wika ni Chane ngumiti naman sakanya si kyoske "Ang kucute kasi nila"

Ng unti unti ng nagdidilim ang kalangitan nagpasya silang umuwi na kasalukuyang silang naglalakad ng matapilok si Chane

"Ayos ka lang ba?"

Tumango naman si Chane "Ayos lang ako" tatayo na sana siya ng bumagsak siya dahil namamalipit sa sakit ang kanyang ankle

"Sumakay ka na lang sa likod ko" nakangiting sabi ni kyoske at pumunta sa harapan ni Chane

Nagaalangan pa ang dalaga kung sasakay ba siya o hindi pero sa bandang huli sumakay rin siya sa likod nito pagkasakay niya sa likod ni kyoske pabilis ng pabilis ang pagtibok ng kanyang puso kaya napaisip si Chane sa nangyayari sakanya

'Anong nangyayari sa hearthbeat ko? Bakit biglang bumilis ang pagpintig nito? Dati rati tumitibok lang ito ng ganito tuwing kasama ko si key'

'Hindi kaya nagkakagusto na ko kay kyo? Nakalimutan ko na ba talaga si key? Wala na nga ba talaga akong gusto sakanya?' sunod sunod na tanong ni Chane sakanyang isipan

'Siguro nga tuluyan ko ng nakalimutan ang nararamdaman ko para sakanya, kahit sa loob lang ng napaka ikling panahon'

Hiniga ni Chane ang kanyang ulo sa balikat ni kyoske 'Siguro nga kyo may gusto na ko sayo hindi ko pa lang narerealize, hindi ka naman mahirap magustuhan dahil lagi mong ipinaparamdan na espesyal ako sayo, lagi kang nanjan sa tabi ko pag kaylangan kita kung sakaling mainlove na ako sayo, sana saluhin mo ko' at hinigpitan niya ang pagkapit kay kyo

-------

The Hearthrob's Secret (REVISING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant