Chapter 11: Eat N Run

5.4K 121 14
                                    

Hello Guys! Enjoy reading :)) Message lang po sakin kung sino ang gustong magpadedicate :)

-------------------------

Chapter 11: Eat N Run

--------------------------

Third Person POV

Busy ang lahat ng magaaral dahil sa magaganap na event sa susunod na linggo

Papunta si key sa classroom nila kakatapos lang kasi nitong magpractice  ng makapasok siya sa sa loob ng classroom nakita nanaman niya si Chane na nagsasalita nanaman magisa "Ano bang bago?" sabi ni key

lumapit siya kay chane kaya napatigil sa pagsasalitang magisa si chane at tumingin kay key "Oh anong kaylangan mo?"

"cutting tayo" nakangiting sabi ni key

"Ayoko. Alam mo sa lahat ng scholar ikaw lang ang may ganang mag cutting"

"Tara na master wala namang ginagawa busy ang lahat ng estudyante lalo na ang mga teachers" hinila na patayo ni key si chane wala ng nagawa pa ang dalaga kung hindi ang magpahila

Ng malapit na silang makarating ng school gate nakita na nila ang dalawang guard na nagbabantay

"Malas, bakit dalawa ang nagbabantay ngayon, mahihirapan tayong makatakas" sabi ni key na napakamot sa ulo

"Sumunod ka sakin" sabi ni chane hindi na nagsalita pa si key at sumunod na lang siya sa dalaga

huminto sila sa isang mataas na pader "oh anong gagawin natin dito" tanong ni key

"Psh, bobo talaga, malamang jan tayo dadaan para makalabas"

"Kaya mo bang makaakyat sa mataas na pader na yan" sabay turo ni key sa pader

"Hindi ko pa alam pero wala namang wawala kung susubukan" sabi ni chane at nagsimula na itong umakyat sa pader buti na lang at naka PE uniform sila kaya kumportable silang kumilos umakyat na rin si key malapit na silang makaakyat ng biglang may sumigaw na guard "Hoy! bawal yan! bumaba kayo jan, mga batang to talaga, baba jan!" nagmadali silang umakyat dahil sinusubukan silang hilahin ng guard sa sobrang pagmamadali nila nalaglag sila sa kabilang bakod.

"Leche, ang sakit nun a" nakahawak si chane sa balakang niya inalalayan naman siya ni key tumayo

"Hoy dukha, san ba tayo pupunta?" tanong ni chane habang naglalakad sila

"Kahit saan"

"Bwesit, meron bang lugar na kahit saan? Tsaka nagugutom na ko kumain muna tayo!"

tuminggin si key sakanyang relos "Sige, oras na rin naman ng tanghalian" naghanap sila ng makakainan pero walang mga fastfood chain o restaurant silang nadadaanan tangging mga carinderia lang ang kanilang nakikita

The Hearthrob's Secret (REVISING)Where stories live. Discover now