Chapter 50: I miss you so bad

2.2K 54 2
                                    

Chapter 50: I miss you so bad

--------------

Chane's POV

Dalawang linggo na ang nakakalipas pero wala pa ring key ang nagpapakita

Ano bang nangyare sakanya? Bakit wala pa rin siya? Ayos lang ba siya? Kahit txt o tawag wala akong natatanggap

Sa loob rin ng dalawang linggo mas naging close kaming tatlo, lagi kaming magkakasama hindi naman kasi mahirap pakisamahan si Leo

Kasalukuyan akong naglalakad sa school garden samantalang yung dalawa nasa canteen at kumakain ng lunch

Palabas na ko ng school garddn ng may mahagip ang mata ko. Hindi ako pwedeng magkamali siya yun. Lumundag ang pusi ko sa saya sa wakas nandito na siya sobrang miss ko na kasi siya pero parang may nagbago sakanya? Nagiba yung dating at aura niya?

Tumakbo ako para maabutan ko siya na papasok na sa lobby

Yung dalawa niyang kamay ay nasa bulsa ng Pants niya at may nakasaksak na earphones sa tenga niya nag mukha tuloy siyang cool dahil dun at mas lalong siya pumogi

"Key!" tinanggal niya yung earphones niya sa tenga sobrang lakas kasi ng sigaw ko kaya alam kong maririnig niya yun

Hinanap niya yung tumawag sa pangalan niya pero hindi niya ko nakita kaya naglakad na siya at umalis

Napahawak ako sa dibdib ko, hiningal ako. May kalayuan din kasi yung school garden

Nakaramdam ako ng pagka-hilo kaya napahawak ako sa ulo ko pilit akong naglalakad pero pagewang-gewang. Napahawak ako sa pader. Nanlalabo na yung paningin ko at tuluyan na kong bumagsak at nawalan ng malay

----------

Dinilat ko yung mga mata ko, nilibot ko yung paningin ko mukhang nasa clinic ako

Umupo ako sa pagkakahiga napahawak ako sa ulo ko na medyo kumikirot pa

Walang tao dito bukod sakin. Sino kaya ang nagdala sakin dito?

Sinuot ko na yung sapatos ko at dahan-dahang naglakad palabas ng clinic

Saktong naglalakad ako sa corridor ng maglabasan na ang mga estudyante sa kani-kanilang classroom

Tinignan ko yung relos ko, Uwian na pala. Ganon ako katagal sa clinic?

Inabangan ko si Trisha sa tapat ng classroom namin

Maya-maya ay lumabas na siya pati na rin si Leo

"Bes! San ka ba galing? Nagcutting ka ba? Hindi mo man lang kami inaya" naka pout na sabi niya

Napailing na lang ako. Hindi ako nagsalita pa. Feeling ko sobrang nanghihina ako ngayon na kahit anong oras babagsak

Nagsimula na kong maglakad ganon din silang dalawa

Habang palabas kami muntik na kong bumagsak buti na lang nahawakan ako ni Leo "Honeypie ayos ka lang ba?" hindi ko siya sinagot at umayos na lang ako sa pagkakatayo

Nasa school ground na kami ng makita ko si Key na pinalilibutan ng mga babae

"Si key yun diba?" turo ni Trisha

"Sinong key?" tanong ni Leo, hindi pa niya kasi alam na ang boyfriend ko ay si Key

"Boyfie ni bes"

Nakatingin lang kaming tatlo sakanila, nagipon ako ng lakas para matawag ko yung pangalan niya

"Key!" napiyok pa ko nang tinawag ko siya

The Hearthrob's Secret (REVISING)Where stories live. Discover now