Chapter 33: Twins

3.4K 70 13
                                    

Chapter 33: Twins

----

(A/N: Nakikita din po ni Jane si Chane kasi may third eye din po siya)

Third person POV

"K-kambal tayo?" bakas mukha ni Chane ang pagkagulat

"Oo kambal tayo" sabi ni Jane na mayhalong pandidiri sa sinabi niya "Nakakasuka diba? Kaya nga magkatunog ang pangalan natin"

"P-pano? Kung magkapatid tayo, bakit mo ko pinatay kami ni papa" sabi ni chane ng naguguluhan na bakit ang kapatid pa niya ang mismong gagawa ng bagay na yun

"Kasalanan niyo rin naman! kayo ang may dahilan kung bakit naging ganto ang buhay ko!"

"Anong sinasabi mo? hindi kita maiintindihan!"

"Nag mamaang maangan ka pa! Hindi mo natatandaan ang lahat?! 10 taon ng nakakalipas?! Pinaampom ako ng magaling mong ama! dahil nalulugi na ang kompanya nung mga panahon nun kaya pinaampom niya ko sa isa sa mga business partners niya! Akala ko yun lang  ang bangungot na mangyayare sakin, pero hindi nirape ako ng taong umampon sakin nun! Ang mas kinakagalit ko nun bakit ako pa yung pinapili niyang ipa-ampon kesa sayo, mas maganda, mas matalino naman ako sayo!" Nagsimula ng bumagsak ang mga luha ni Jane ganon na rin si Chane "Kaya masisisi ko ba ko kung bakit ginawa ko ang bagay na yun, ha?! Tsaka wala naman akong pinagsisihan sa ginawa ko!"

Hindi makapagsalita si Chane nagulat siya sa mga nalaman niya patuloy din ang pag-agos ng mga luha niya hindi niya maimagine ang mga nangyare sa Ate niya

Nagflashback sa utak niya ang lahat ng scenario na masaya silang nagtatawanan at naglalaro ng kanyang ate ngunit hindi niya man ganong malinaw ang lahat ng yun sa utak niya pero may kakambal nga siya ang Ate niyang si jane ang pinaka mamahal niyang ate

"Naiinis ako sayo Chane! kasi lahat ng gusto ko napupunta sayo! Si Dad si key, lahat na lang, selfish ka, selfish! Kaya kung iniisip mo noon na tunay na kaibigan mo ko nagkakamali ka! kaya kita kinaibiganan para maisagawa ko ang plano ko, Hahahahahaha" Mas lalong naiyak si Chane sa mga sinabi ng kanyang ate

"Kahit konti, hindi mo ko tinuring ng kaibigan? o kapatid man lang?"

"Tanga ka din e no? Malamang hindi, kaya nga pinatay kita diba?!"

"Tanginang buhay to! Bakit ganto?! Bakit ako ba? Bwesit na kapalaran at tadhana yung buhay ko pa ang sinira! Naging mabuting tao naman ako noon a" patuloy na sa pag bagsak ang luha ni Jane "Tangina, buong buhay ko naging mabuti ako pero bakit nagkaganto?  Kaya hindi ako makakapayag na buhay ko lang ang masira, dapat pati din ang sayo, ang unfair naman kung akin lang diba? Damay damay na! Kaya yang nararamdam mo mas triple pa ng nararamdam ko!"

"Ate, tama na. Oo alam kong nasasaktan ka! Pero ate sapat na ang isang buhay ang masira kesa dalawahin mo pa! Alam mo dapat nagagalit ako sayo pero bakit ganon hindi ko magawa? Alam mo kung bakit? Kasi mahal kita at magkapatid tayo! hindi ko aakalain na ang mismong kakambal ko pa ang gagawa ng bagay na yun sakin at saamin! Oo alam kong galit ka dahil sa nangyare sa buhay mo pero sana inisip mo ding wala akong kinalaman sa nangyare sayo, para idamay mo ang buhay ko! Wag kang magalala kahit hindi ka humihingi ng tawad sa ginawa mo pinapatawad na kita....."

The Hearthrob's Secret (REVISING)Where stories live. Discover now